Tila hindi na nakapagpigil pa ang negosyante at podcaster na si Dani Barretto sa kakakuda ng stepdad niyang si Dennis Padilla.
Ito ay kahit inihayag na ni Dennis noong Abril 2025 na permanente na umano siyang magpapaalam sa mga anak dahil suko na raw siyang makipag-ayos sa mga ito.
Maki-Balita: Dennis Padilla, suko na sa mga anak, baka sa 'kabaong' na siya huling makita
Sa isang Instagram post ng podcast na “Almost Honest” kamakailan, mapapanood ang video clip kung saan ibinahagi ni Dani ang pinagdaanan noon ng nanay nilang si Marjorie Barretto.
“Nasanay kami doon. We saw the yelling, we heard every yelling, the screaming, everything my mom went through. Tumatak sa amin ‘yon di ba? Mga bata kami noon, but that stayed with us,” lahad ni Dani.
Sa post na ito, nagkomento si Dennis.
Aniya, “ I will answer point by point…”
“I think you're forgetting we all lived in the same house,” sagot naman ni Dani. “That we woke up to your screams almost every morning. Kung hindi si mom sinisigawan mo, one of the help.”
Dagdag pa niya, “This is what you always do, use social media to ‘defend’ yourself and spread more lies and gaslight your children and now me. You keep pushing this narrative na kinawawa ka. Weren't you the abusive one?”
Ayon kay Dani, wala umanong pinipiling lugar ang paninigaw ni Dennis—mapa-mall man o grocery.
“Di ba tatawag ka sa mga anak mo mostly laging madaling araw kasi lasing ka para murahin at sigawan lang sila? And now know it all pa ko? Ikaw nanaman kawawa? Si mom nanaman sisiraan mo. Enough is enough,” dugtong pa niya.
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang reaksiyon o tugon si Dennis.