BALITA
Pinakamatandang tao, pumanaw sa edad na 117
TOKYO (AP) – Sa edad na 117, binawian ng buhay sa Japan ang pinakamatandang tao sa mundo. Kinumpirma ng opisyal ng bayan na si Susumu Yoshiyuki ang pagpanaw ni Nabi Tajima dulot ng katandaan sa isang ospital sa bayan ng Kikai sa katimugan ng Japan. Ipinanganak noong Agosto...
Iran nagbanta ng 'nuclear enrichment'
TEHRAN (AFP)- Handa ang Iran na muling magsagawa ng nuclear enrichment sakaling tapusin ng Estados Unidos ang 2015 nuclear deal at pinag-iisipan na rin umano ang “drastic measures” bilang tugon sa US exit, ito ang banta ni Iranian Foreign Minister Mohammad Javad Zarif...
1 patay, 17 sugatan sa protesta sa Madagascar
(AFP)- Patay ang isang katao at 17 iba pa ang sugatan nang magkagulo ang security forces at mga raliyista na ipinoprotesta ang bagong batas sa eleksiyon sa Madagascar. Nagsimula ang gulo nang bogahan ng tear gas ng mga pulis ang mga raliyista. Gumanti ang ilan sa kanila sa...
Cabinet double time para makabawi sa rating
Ni Genalyn D. Kabiling Determinado ang administrasyon na magdoble kayod sa pagtatrabaho para mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino at hindi magpapaapekto sa ingay sa politika, sinabi ng Malacañang kahapon. Muling idiiin ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pangako...
PH ambassador na sumaklolo sa OFW nais palayasin ng Kuwait
Ni Charissa M. Luci-Atienza Nagbabala kahapon ang mga mambabatas sa gobyerno ng Kuwait laban sa pagpapalayas sa envoy ng Manila kaugnay sa viral video na nagpapakita sa tauhan ng Philippine embassy na inililigtas ang isang inabusong overseas Filipino worker mula sa employer...
'Nice' treatment sa NPA, ipinangako ni Duterte
Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na iniutos niya ang pagpatuloy sa peace talks sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) dahil obligasyon niyang tiyakin na maging isang mapayapang bansa ang...
Supply ng NFA rice, inaapura
Ni Light A. Nolasco Tuluyan nang napawi ang pangamba ng mahihirap nang ihayag ng National Food Authority (NFA) na muli nang mabibili ang abot-kayang NFA rice sa mga palengke at iba pang pamilihan sa bansa sa susunod na buwan. Ito ang ipinahayag ni NFA Administrator Jason...
Grab kakasuhan ng estafa
Nina Bert de Guzman at Charissa Luci-Atienza Kung hindi magkakaloob ng refund ang Grab dahil sa paniningil nito ng P2 bawat minuto sa mga pasahero, nagbanta ang isang kongresista na kakasuhan ng large-scale estafa at syndicated estafa ang ride-hailing company. Nagbabala si...
Kalikasan ‘di dapat nasasakripisyo para sa kaunlaran
Nina Genalyn Kabiling at Ellalyn De Vera-Ruiz Magsisilbing “wake-up call” sa pamahalaan ang isasagawang rehabilitasyon ng Boracay Island, upang hindi maisakripisyo ang kalikasan kapalit ng masiglang ekonomiya ng bansa. Ito ang paalaala kahapon ni Presidential Spokesman...
Election hot spots iniisa-isa
Ni AARON B. RECUENCO Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang intelligence unit ng pulisya na apurahin ang pagtukoy sa hot spots para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na buwan. Sa huling assessment,...