BALITA
Pinay, kinilalang 'Teacher of the Year' sa US Virgin Islands
Isang Pilipina ang kinilalang “Teacher of the Year” sa United States Virgin Islands. Si Cristina Marie Senosa, guro sa Ivanna Eudora Kean High School, ang unang international teacher na pinangalanang “2021-2022 State Teacher of the Year” ng Virgin Islands Department...
Teachers' group, nagsagawa ng #LaptopProtest--suporta ng gobyerno, kulang
Inilabas na ng mga guro ang kanilang sama ng loob dahil sa kakulangan ng suporta ng pamahalaan sa kanilang hanay sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ginagamit ang hashtagna #GuroHindiMakina at #LaptopProtest, sinimulan ng grupong Alliance of...
Binatang magnanakaw, nakipagbarilan sa mga pulis, patay
Napatay ang isang umano'y magnanakaw nang makipagbarilan sa mga awtoridad at naaresto naman ang dalawa niyang kasabwat sa Malabon City, nitong Martes ng hapon. Dead on arrival sa Ospital ng Malabon si Jason Danco, 33, binata, at taga-Sitio 6, Dumpsite, Barangay Catmon,...
Eroplano, bumulusok sa dagat sa La Union, student-pilot, patay
CABA, La Union-Kaagad na binawian ng buhay ang isang 26-anyos na student-pilot ng Tecnam P-2010 (RP-C8230) light aircraft nang mag-crash ito sa dagat sa bisinidad ng Barangay Wenceslao ng naturang bayan, nitong Miyerkules ng hapon. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Mark...
Isa sa NPA, sumuko sa Quezon--pamumuhay sa kabundukan, 'di kinaya
POLILLO, Quezon - Hindi na kinaya ng isang miyembro ng New People's Army ang pamumuhay sa kabundukan kaya ito nagbalik-loob sa pamahalaan nitong Martes ng tanghali. Si Jonel dela Cruz, 30, binata, kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) o NPA at taga-Bgy. Guis-guis,...
Pulis na nakapatay ng 18-anyos na may "special needs" sa Valenzuela, sinibak
Sinibak na sa puwesto ang isang pulis na nakapatay ng isang binatang nahahanay sa may "special needs" sa ikinasang anti-illegal gambling operation sa Valenzuela City, kamakailan. Isinagawa ng Valenzuela Police ang pagsibak kay Police Senior Master Sergeant Christopher...
OCTA: COVID-19 cases sa Metro Manila, bumaba na ng 80%
Iniulat ng OCTA Research Group na bumaba na ng 80% ang average na bilang ng mga COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) kumpara noong kasagsagan ng surge ng sakit sa mga nakalipas na buwan. Ayon kay Professor Guido David ng OCTA, nasa 1,099 na lamang ang average ng...
Dalawang 'tulak,’ tiklo sa Tarlac
TARLAC CITY - Dalawang pinaghihinalaang drug pusher ang natimbog ng mga pulis sa buy-bust operation sa Barangay Laoang ng nasabing lungsod, nitong Martes ng tanghali. Nakakulong na ang dalawang suspek na kinilala ni Maj. Rocky de Guzman, hepe ng Provincial Drugs Enforcement...
Pagkakasakit ng 3 researchers sa Wuhan lab bago ang COVID-19 outbreak, itinanggi ng China
Binigyang-diin ng China nitong Lunes na“totally untrue” ang mga ulat na tatlong researchers sa Wuhan ang nagtungo sa ospital nang may karamdaman bago umusbong ang coronavirus sa syudad at kumalat sa buong mundo. Mula nang kumapit sa unang biktima sa central Chinese city...
Herd immunity sa NCR bago mag-Pasko, posible maabot sa target na 500,000 babakunahan kada araw
Tiwala si National Task Force (NTF) Deputy Chief Implementer Vince Dizon na maaaring maabot ng National Capital Region (NCR) ang herd immunity bago ang Pasko. Sa isang briefing sa Palasyo nitong Martes, Mayo 25, ibinahagi ni Dizon na target na pamahalaan na mabakunahan ang...