BALITA
National Vaccination Days: Target na maturukan, 9M na lang
Mula sa puntiryang 15 milyong maturukan sa three-day National Vaccination Days, ibinaba na lamang ito ng gobyerno sa siyam na milyon dahil na rin sa kakapusan ng medical supplies. Sinabi ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary...
Merck pill, epektibo upang makaiwas sa severe COVID infection — US health panel
Ayon sa preliminary report na inilabas ng US Food and Drug Administration (FDA), epektibo ang anti-COVID pill o molnupiravir, na inilabas ng Merck. Nilinaw naman ng FDA advisory panel na hindi dapat gamitin ang molnupiravir ng mga buntis. Naglabas rin ng resulta ang Merck...
Mahigit 5M doses ng bakunang donasyon sa PH, nakumpleto na ng UK
Dumating na sa bansa nitong Nobyembre 27, ang karagdagang 1,746,160 doses ng AstraZeneca vaccine na bahagi ng donasyon ng United Kingdom (UK) sa Pilipinas. Ito ang kumumpletosa pangako ng UK na 5,225,200 doses ng bakuna para sa bansa. Ang naturang bakuna ay inilapag ng...
Duterte: Socio-economic recovery, mas lalakas sa Asia-Europe cooperation
Upang matugunan ang hamon na dala ng pandemya ng coronavirus (COVID-19), tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaisa ng Asya at Europa para sa inclusive socio-economic recovery base sa prinsipyo ng “justice, fairness, and equality." Ito ang ipinunto ng Pangulo sa...
Quezon City gov't, naglabas ng guidelines para sa Christmas bazaars
Inilabas na ng Quezon City government ang mga alituntunin para sa mga bazaar, flea markets, at iba pang pop-up stores na mag-ooperate ngayong kapaskuhan. Ang mga vendor, organizer, at ibang personnel ng mga bazaar ay dapat fully vaccinated at dapat kumuha ng business permit...
PGH-HICU, inirekomenda ang ‘open-air’ Christmas parties bilang pag-iingat vs COVID-19
Nagrekomenda nitong Sabado, Nob. 27 ang Philippine General Hospital-Hospital Infection Control Unit (PGH-HICU) na ilunsad ang mga Christmas party at year-end event sa isang "open-air" setup. Sa inilabas na guidelines nito, sinabi ng PGH-HICU na habang mas gusto ang mga...
10-day quarantine para sa travellers, balak ipatupad sa Japan dahil sa bagong COVID-19 variant
TOKYO, Japan-- Balak ipatupad ng Japan ang sampung araw ng quarantine sa mga papasok ng bansa matapos madiskubre sa South Africa ang bagong COVID-19 variant. Simula ngayong Sabado, hihilingin ng Tokyo sa mga travellers mula sa South Africa at kalapit na bansa-- Namibia,...
COVID-19 recovery rate ng Pasay City, umabot na sa 97.39 percent
Nakapagtala ang Pasay City government nitong Biyernes ng 97.39 percent recovery rate sa mga nadapuan ng coronavirus disease (COVID-19). Tinatayang 21, 452 indibidwal mula sa lungsod ang gumaling na mula sa nakamamatay na COVID-19. Sinabi ni Mayor Emi Calixto-Rubiano na...
Davao Occidental, nilindol
Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Davao Occidental nitong Sabado ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Ang pagyanig ay tumama sa karagatan ng nasabing lalawigan, dakong 2:01 ng hapon. Naramdaman ang mahinang lindol sa layong...
DOH-Calabarzon, handang magbakuna ng 1M katao kada araw sa 3-day National Vaccination Day
Tiniyak ni Department of Health (DOH) CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Regional Director Ariel M. Valencia nitong Sabado sa mga residente na handang-handa na silang magbakuna ng hanggang isang milyong indibidwal kada araw, para sa 3-araw na National...