BALITA

GF na German athlete, inuwi: EJ Obiena, dumating na sa bansa
Dumating na sa bansa si Pinoy pole vaulter EJ Obiena nitong Huwebes ng umaga matapos ang matagumpay na European outdoor campaign nito kamakailan.Si Obiena ay sinalubong ng kanyang mga magulang na sinaEmerson at Jeanette Obiena. Ipinakilala rin sa kanila ni Obiena ang kanyang...

'Josie' papasok na sa Pilipinas sa loob ng 24 oras -- PAGASA
Papasok na sa Pilipinas ang isa pang bagyo sa loob ng 24 oras, ayon sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes.Sa abiso ng PAGASA, inaasahang didiretso na sa Pilipinas ang bagyong may international name...

DepEd hotlines, nakatanggap na ng sumbong ng pang-aabuso sa mga paaralan
Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes na nakatanggap na sila ng mga sumbong ng umano’y mga pang-aabuso sa mga paaralan.Ito’y may isang linggo matapos na ilunsad ng DepEd ang kanilang hotline para sa mga ganitong uri ng reklamo.Sa isang pulong...

Suspek sa pagpaslang kay Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas, sumailalim sa lie detector test
Sumailalim na umano sa independent polygraph test o mas kilala bilang "lie detector test" ang isa sa mga suspek sa panggagahasa at pagpatay sa dalagang si Jovelyn Galleno, na si Leobert Dasmariñas.Ayon sa inilabas na mga larawan ng "Super Radyo DYSP 909Khz Palawan",...

May regulasyon man o wala: John Arcilla, magsusuot pa rin ng face mask alang-alang sa kapwa
Matapos ang aktor na si Romnick Sarmenta, isa pa sa mga celebrity na nagsabing magsusuot pa rin ng face mask, may regulasyon man o wala, ay ang premyadong Kapamilya actor na si John Arcilla.Basahin:...

8,000 ordinansa sa Maynila, planong repasuhin ni VM Yul
Plano ni Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto na repasuhin ang may 8,000 umiiral na ordinansa sa Maynila.Sa isang eksklusibong panayam ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) kamakailan, sinabi ng bise alkalde na plano niyang i-repeal ang...

Tuko, lumambitin sa kawad; ilang mga barangay, nawalan ng kuryente
Isang tuko ang naispatang umakyat sa poste, lumalambitin at nakakapit sa mga kawad ng kuryente ng CASURECO II sa Naga City nitong Martes, Setyembre 13, dahil ito lang naman ang dahilan kung bakit nagkaroon ng power interruption sa ilang mga barangay."PAGLIWANAG: Nakuanan nin...

Sa unang araw ng ‘Rat to Cash Program': Higit 1,700 daga, nahuli sa Marikina
Umaabot na sa 1,700 daga ang nahuli ng mga residente sa lungsod ng Marikina kasunod nang muling paglulunsad ng kanilang ‘Rat to Cash Program’ kahapon, Setyembre 14.Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro, ang naturang mga daga ay nahuli ng mga...

Para daw sa bahay lang maglibang: Antonette Gail, niregaluhan ng arcade machine si Whamos
Kung kotse ang regalo ng online personality na si Whamos Cruz sa kaniyang nobyang si Antonette Gail del Rosario kamakailan, isang arcade machine naman ang pina-customize ng huli para sa kaniyang nobyo.Basahin:...

Sunooog! Bahay ng 10 pamilya sa Navotas City, naabo
Naabo ang bahay ng 10 pamilya nang masunog ang isang residential area sa Navotas City nitong Huwebes ng madaling araw.Sa paunang report ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 4:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa bahay ni Antonio Amoscos.Biglang umanong...