Nagpatupad na ng bawas-presyo sa kanilang liquefied petroleum gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis nitong Hunyo 1.

Mula ₱6.10 hanggang ₱6.20 ang itinapyas sa presyo ng kada kilo ng LPG o kabuuang ₱67.10 hanggang ₱68.20 sa bawat 11-kilogram na tangke nito.

Ipinatupad ng Petron Corporation at Phoenix Petroleum ang pagbabawas ng ₱3.47 sa presyo ng kada litro ng kanilang auto LPG product na ginagamit ng mga sasakyan.

Ikinatwiran din ng mga kumpanya ng langis ang pagbaba ng presyo ng LPG sa pandaigdigang merkado.

National

Bagyong Carina, idineklara nang super typhoon

Myrna Velasco