BALITA
Kelot nirapido ng kasalubong
Patay ang isang lalaki nang pagbabarilin ng isang rider habang naglalakad sa kalsada sa Binondo, Maynila kamakalawa.Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawang nasa edad 35-40, nakasuot ng gray na t-shirt at pulang pantalon habang nakatakas naman...
Tumangay ng kable ng LRT, arestado
Lumalabas na matindi ang pangangailangan ng isang obrero matapos umano nitong tangayin ang kable ng Light Rail Transit (LRT) na naging sanhi ng kanyang pagkakaaresto sa Pasay City, nitong Biyernes ng gabi.Kasalukuyang nakakulong sa Pasay City Police ang suspek na si Selvirt...
2 sinaksak, ginulpi sa 'pambabastos'
Habang isinusulat ang balitang ito, kritikal ang dalawang binatilyo makaraang pagtulungang gulpihin at saksakin ng pitong katao na umano’y mga barkada ng babaeng kanilang binastos sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.Kasalukuyang nakaratay sa Tondo Medical Center sina...
Sabungero natagpuang patay
Bangkay na nang datnan ang isang sabungero sa loob ng isang sabungan sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.Sa report kay Police Sr. Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan Police, kinilala ang nasawi na si Robertson Dela Cruz, 30, ng No. 44 Malinis Street, Barangay...
Boracay: Turismo masigla kahit may algal bloom
BORACAY ISLAND - Patuloy ang pagtaas ng bilang ng turistang bumibisita sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan sa gitna ng isyu tungkol sa algal bloom.Batay sa estadistika ng Caticlan Jetty Port, umabot sa 167,445 dayuhan at lokal na turista ang bumisita sa Boracay nitong...
Barangay chairman binistay, buhay
MANAOAG, Pangasinan – Masuwerteng nabuhay ang isang barangay chairman makaraang paulanan ng bala ng dalawang armadong sakay sa motorsiklo sa Manaoag, Pangasinan.Iniulat kahapon ng Manaoag Police na bagamat nakaligtas sa tiyak na kamatayan ay may mga tama ng bala ang suot...
British diver nalunod
BORACAY ISLAND - Isang 60-anyos na Briton ang namatay habang nagda-diving sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.Ayon sa imbestigasyon ng Boracay Tourists Assistance Center ng Philippine National Police (PNP), kasama ni Jose Miguel Arenas ang dalawa niyang anak habang...
Seguridad sa Semana Santa kasado na
CABANATUAN CITY - Naghahanda na ang Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) sa pagde-deploy sa mga estratehikong lugar sa lalawigan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga turista at bakasyunista na dadagsa sa probinsiya ngayong linggo para sa Semana Santa.Ayon kay NEPPO...
44 pinalaya sa Iwahig Prison
Pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 44 na bilanggo mula sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan.Iniutos ni BuCor Director General Benjamin Delos Santos ang pagpapalaya sa nabanggit na bilang ng mga bilanggo nang bumisita siya sa IPPF sa ikaanim at huling...
Van bumaligtad: 2 patay, 17 sugatan
BALUNGAO, Pangasinan – Dalawang katao, kabilang ang isang batang babae, ang nasawi at 17 iba pa ang nasugatan makaraang bumaligtad ang van na kanilang sinasakyan habang bumibiyahe sa Barangay San Antonio, San Mateo, Isabela, kahapon.Binabagtas ng Nissan Urvan ang national...