BALITA
Teacher, pinatay, natagpuan sa beach
BAUANG, La Union – Tadtad ng saksak ng patalim ang bangkay ng isang lalaking guro nang matagpuang lumulutang sa dalampasigan ng Barangay Pagdalagan Sur sa nasabing bayan, kahapon ng madaling araw. Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Joel Mendoza, 40, guro ng Don...
Railway services sa MM, suspendido
Suspendido ang railway services sa Metro Manila nitong Linggo matapos na itaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Signal No. 4 ang rehiyon dulot ng pananalasa ng bagyong ‘Rolly’. Sa abiso ng Department of...
Presyo ng LPG, tinaasan pa
Nagpatupad ng malakihang taas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis sa bansa sa pangunguna ng Petron, kahapon. Sa anunsyo ng Petron, nagtaas ito ng P3.20 sa presyo ng kada kilo ng kanyang Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P35.50 na dagdag-presyo...
Kambal-bagyo, nasa PAR -- PAGASA
Dalawang bagyo na ang nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) kasunod nang pagpasok ng bagyong ‘Siony’ na may international name na ‘Atsani’ kahapon ng umaga. NGITNGIT NG KALIKASAN Nilalamon ng bahang umapaw sa ilog ang kabahayan sa Legazpi City sa...
22 patay, mga gusali gumuho sa lindol sa Turkey, Greece
Gamit lamang ang kanilang mga kamay, hinukay ng rescuers ang mabibigat na mga bloke ng kongkreto nitong Biyernes sa desperadong paghahanap para sa mga nakaligtas matapos ang isang malakas na lindol na pumatag sa mga gusali sa buong Greece at Turkey, at pumatay ng 22 katao....
Publiko, pinag-iingat sa leptospirosis
Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa nakamamatay na sakit na leptospirosis na maaaring makuha sa tubig-baha na kontaminado ng ihi ng daga. Ginawa ito ni Dr. Beverly Ho, Director for Promotion and Communication Service ng DOH, kasunod ng mga...
SRP sa COVID-19 tests, ilalabas ng Pangulo
Sinabi ng Malacañang na oras na lamang ang hinihintay bago pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) na maglagay ng price ceiling sa halaga ng real time-polymerase chain reaction (RT-PCR) tests na ginamit upang makita ang COVID-19. Sa isang panayam sa...
Inflation, bababa sa Disyembre?
Kumpiyansa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bababa ang inflation rate sa Disyembre hanggang sa Enero ng susunod na taon. Ang pahayag ng BSP ay kasunod ng inaasahang posibilidad na manatili sa 2.3 porsiyento ang inflation rate sa bansa ngayon Oktubre. Sa pagtaya ng...
P1.6-M shabu, nasamsam sa Ecija
CABANATUAN CITY – Aabot sa P1.6 milyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang operasyon na ikinaaresto ng dalawang Chinese sa Barangay Sumacab Sur sa nasabing lungsod, nitong Biyernes ng gabi. Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang suspek na...
'Rolly' magla-landfall sa Luzon -- PAGASA
Pinag-iingat ng pamahalaan ang publiko dahil sa inaasahang paghagupit ng bagyong ‘Rolly’ sa malaking bahagi ng Luzon ngayong araw. Sa weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon, isinailalim na sa...