BALITA
Tulong sa sinalanta ng ‘Quinta’ parating
Kumapit lamang at parating na ang tulong. Ito ang mga katagang nasambit ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng naramdamang pag-aalala sa kaligtasan ng mga nasalanta ng Bagyong “Quinta.” Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pinayuhan ng Pangulo ang mga nasalanta...
Duterte, pinauusig ang lahat ng katiwalian sa gobyerno
Dismayado sa laganap na kurapsyon, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Justice (DOJ) na siyasatin ang mga anomalya sa buong gobyerno at pag-usigin ang mga nagkakamaling tagapaglingkod sa publiko. Bukod sa pagsisiyasat sa Philippine Health Insurance...
‘Oplan Kaluluwa’ inilatag ng PNP
Nagsimula na ang Philippine National Police (PNP) sa ‘Oplan Kaluluwa’ kahit nasa pandemya pa ang bansa. Ito ay bahagi ng preemptive measure sa mga sementeryo na dinagsa na ng publiko bago ang pagsasara sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4. Paliwanag ni PNP chief, Gen....
National budget nasa Senado na
Isumite na kahapon (Oktubre 27) ng Kamara sa Senado ang pinagtibay na P4.5 trilyong national budget para sa 2021. Sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco na layunin ng record-high budget na mapalakas ang pagtugon ng gobyerno laban sa COVID-19 pandemic at muling mapasigla ang...
PH envoy sa Brazil, iimbestigahan sa pangmamaltrato
Ipinag-utos ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin Jr. ang recall o pagpapauwi kay Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro upang magpaliwanag sa lumabas na video footage ng pagmamaltrato niya sa kanyang household service sa loob ng diplomatic...
Presidente ng Poland nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo si Poland President Andrzej Duda sa coronavirus, kinumpirma ng kanyang aide nitong Sabado, habang nahaharap ang bansa sa panibagong pagtaas ng kaso. “Ladies and Gentlemen, as recommended President @AndrzejDuda was tested yesterday for the presence of...
Paunahin ang nagpapakabit ng RFID -- TRB
Nanawagan ang Toll Regulatory Board (TRB) sa mga motorista na ‘occasional’ o madalang lamang na gumamit ng toll roads na paunahin na muna ang mga motoristang regular na gumamit ng toll roads, sa pagpapakabit ng RFID stickers upang maiwasan ang pagkakaroon ng buildup ng...
El Nido, bubuksan na sa Oktubre 30
Simula sa Oktubre 30 ay tatanggap na ng mga turista mula sa labas ng isla ang El Nido sa Palawan. Sa anunsyo ng Department of Tourism (DOT), muling bubuksan ang turismo sa nasabing isla matapos ang ilang buwang suspensyon ng operasyon nito bunsod na rin ng coronavirus...
P7.4-B, idinagdag sa ‘Yolanda’ rehab
Dinagdagan pa ng pamahalaan ng P7.4 bilyon ang Yolanda Permanent Housing Program (YPHP) upang makapagpatayo pa ng karagdagang pabahay para sa mga biktima ng super typhoon ‘Yolanda’ noong 2013. Ito ang kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa pamamagitan ng...
Miyembro ng PAF, tiklo sa rape
Inaresto ng mga awtoridad ang isang miyembro ng Philippine Air Force (PAF) matapos umanong gahasain ang isang dalaga sa loob ng isang hotel sa Taguig City, kamakailan. Kinilala ng Taguig City Police ang suspek na si Airman 1st Class (A1C) Mark Ivan Venerayan, 28, binata at...