Balita Online
Van, sumalpok sa poste; 15 sugatan
AMADEO, Cavite – Labinglimang katao ang nasugatan nang aksidenteng sumalpok sa poste ng kuryente ang van na kanilang sinasakyan sa C.M. de los Reyes Avenue sa Barangay Poblacion IV sa bayang ito, nitong Martes ng hapon, iniulat ng pulisya kahapon. Ayon sa report ni PO2...
Kandidato, patay sa riding-in-tandem
BUTUAN CITY – Isang kandidato para konsehal ang binaril at napatay ng riding-in-tandem sa national highway ng Barangay San Isidro sa Placer, Surigao del Norte, iniulat ng pulisya kahapon. Sa report mula sa Police Regional Office (PRO)-13 Public Information Office, kinilala...
Malasakit ng Albay sa kalikasan, pinarangalan
LEGAZPI CITY - Napili ng Green Convergence Philippines (GCP) ang Albay bilang unang LGU Eco Champion nito, matapos kilalanin ng kalulunsad na parangal ang matagumpay at mabisang “environment policies and ecologically sound tourism program” ng lalawigan. Ang GCP ay...
Pangingisda ng sardinas sa Sulu, Basilan, bawal muna—BFAR
ZAMBOANGA CITY – Upang matiyak na laging may supply ng sardinas sa pamamagitan ng pagpaparami rito, istriktong ipatutupad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (BFAR-ARMM) ang pagbabawal na mangisda nito sa Sulu Sea at Basilan...
Hepe ng Lipa Police, 4 na pulis, sinibak sa jailbreak
LIPA CITY, Batangas - Nagbigay ng direktiba si Batangas Police Provincial Office (BPPO) Director Senior Supt. Arcadio Ronquillo, Jr., para magsagawa ng imbestigasyon at alisin sa puwesto ang hepe at apat na tauhan ng Lipa City Police matapos matakasan ng apat na preso...
Drug den sa QC, sinalakay; 4 arestado
Apat na katao ang inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) matapos nitong salakayin ang drug den at video karera sa Laloma, Quezon City, iniulat kahapon ng pulisya. Kinilala ni QCPD Director Chief Supt. Edgardo G. Tinio ang mga inarestong suspek na...
Tren ng LRT, tumirik
Muling naperwisyo ang libu-libong pasahero ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 matapos tumirik ang isa nitong tren sa Blumentritt Station sa Maynila, kahapon ng umaga. Ayon sa ulat, pasado 9:00 ng umaga nang biglang tumirik ang isang tren ng LRT sa nasabing istasyon....
Ikalawang hirit ni Revilla na madalaw si Kuya Germs, sinopla pa rin
Muling nagmatigas ang Sandiganbayan First Division laban sa pangalawang hirit ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na makasilip sa burol ni German “Kuya Germs” Moreno. Base sa resolusyon na inilabas kahapon, muling ibinasura ng anti-graft court ang inihaing Urgent Motion...
Pastor, patay sa drug bust ng pulisya
Napatay ang isang pastor na itinuturong drug pusher matapos umanong makipagbarilan sa pulisya sa Sitio Spider, Zone 6, Barangay Kauswagan, Cagayan de Oro City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktima na si Rene Reyes, residente ng Lanao del Norte. Ayon kay Chief Insp....
3 holdaper sa tricycle terminal, tiklo
Hindi umubra sa pakikipaghabulan ang tatlong holdaper matapos silang habulin at makorner ng mga alertong pulis na nakatunog na mambibiktima na naman ang mga ito ng pasahero sa Malabon City noong Martes. Kinilala ni PO3 Rommel Habig, officer-on-case, ang mga naaresto na sina...