Muling naperwisyo ang libu-libong pasahero ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 matapos tumirik ang isa nitong tren sa Blumentritt Station sa Maynila, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, pasado 9:00 ng umaga nang biglang tumirik ang isang tren ng LRT sa nasabing istasyon.

Napilitang bumaba sa tren ang mga naimbiyernang pasahero na unang nakipagsapalaran sa mahabang pila at tiniis ang pakikipagsiksikan sa loob ng mga bagon para lamang makapunta sa tamang oras sa kani-kanilang destinasyon.

Patuloy na inaalam ng pamunuan ng LRT ang sanhi ng aberya ng nasabing tren na agad hinatak patungong Pasay Train Depot upang suriin. (Bella Gamotea)
Metro

Iskedyul para sa Undas, maagang inilabas ng Manila North Cemetery