Balita Online
Dingdong Avanzado, biktima ng basag-kotse sa US
USO rin pala sa ibang bansa ang basag-kotse, dahil nabiktima nito noong Biyernes ang singer na si Dingdong Avanzado, sa Vallejo, California sa Amerika. Ipinost ni Dingdong ang basag na salamin ng kotse niya: “Took me awhile to post. This is what caused me so much stress...
Biglang baba ang BP, webisode shoot kinansela
MULI na namang bumaba ang blood pressure ni Kris Aquino nitong Martes kaya packed-up ang webisode shoot niya ng Unilab sa planta nito sa Laguna. Base sa Instagram post ni Kris bago matulog: “Today was a reminder of what truly matters. This morning I had my milk & coffee,...
Sibakan na sa Flying V q'finals
Mga laro ngayon (Filoil Flying V Center) 1:00 n.h. -- St. Benilde vs UP 2:45 n.h. -- San Beda vs Adamson 4:00 n.h. -- De La Salle vs FEU 7:00 n.h. -- Ateneo vs Letran MATIRA ang matibay sa walong koponang nalalabi matapos ang elimination round ng 2018 Filoil Flying V Pre...
Volcanoes, sumambulat sa Asia tilt
NAKUMPLETO ng Philippine Volcanoes National Men’s 15s Team ang two-match sweep laban sa Singapore para angkinin ang Division 1 title ng Asia Rugby nitong Martes sa Southern Plains, Laguna. PINANGUNAHAN ni Team Captain Steve Pagtalunan Howorth ang ratsada ng Volcanoes...
Sanchez, kakasa vs Russian boxer
BAGAMA’T dalawang beses nang natalo sa Russia, bibiyahe sa ikatlong pagkakataon ang dating boksingero ni Manny Pacquiao na Juan Pablo Sanchez upang lumaban sa walang talong si Russian boxer Evgeny Chuprakov para sa WBO Inter-Continental super featherweight title sa Hulyo...
Tenorio, king ng Kings
ANG ipinapakita ni Barangay Ginebra playmaker LA Tenorio na all-around game ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit biglang uminit ang laro ng Kings patungo sa final stretch ng PBA Commissioner’s Cup elimination round. Nagposte ang beteranong Ginebra court general ng...
Nakaririnding porma ni Pacquiao, nagbalik na – Buboy
TATLONG linggo bago ang mahalagang laban kay WBA welterweight champion Lucas Matthysse ng Argentina, nagpahayag ng kasiyahan ang kampo ni eight-division titlist Manny Pacquiao sa General Santos City, South Cotabato. TINAKBO ni Pacquiao ang pinakamatarik na bundok sa...
Mascarinas, nagbigay ng payo sa Pinoy
SINGAPORE -- “Committed to a task or purpose, train hard and you will succeed.” Ito ang payo ni Singapore based International Master Rico Yap Mascarinas tubong Tuburan, Cebu, sa mga batang chess players na patuloy na namamayagpag sa kasalukuyang ASEAN championship....
Gortat, inilipat sa LA kapalit ni Rivers
WASHINGTON (AP) — Ipinamigay ng Washington Wizards si center Marcin Gortat sa Los Angeles Clippers kapalit ni guard Austin Rivers, ayon sa source na may direktang kinalaman sa usapin. Ang 1-1 deal ay ipinarating sa The Associated Press, ngunit hindi pa kinumpirma ng...
Makiisa sa Chooks-to-Riches promo
KILALA ang Pinoy na handang magsakripisyo maibigay lamang ang pangangailangan ng pamilya. Bilang pagkilala sa pagsisikap at sakripisyo para sa pamilyang Pilipino, inilunsad ng Chooks-to-Go – ang brand na kilala sa pagtataguyod ng SarapngPagsisikap ng Pinoy – ang...