SINGAPORE -- “Committed to a task or purpose, train hard and you will succeed.”
Ito ang payo ni Singapore based International Master Rico Yap Mascarinas tubong Tuburan, Cebu, sa mga batang chess players na patuloy na namamayagpag sa kasalukuyang ASEAN championship.
“Passion, dedication and consistent training to reach every single one of your goals,” paliwanag pa ni Mascarinas, isa sa top chess teacher ng International Chess Asia na natuto ng larong chess sa edad na anim na taon sa kanyang amang si Ricardo na tubong Tubigon, Bohol.
Ating magugunita na si Mascarinas ay walong beses na naglaro sa Chess Olympiads (1976, 1978, 1980, 1982, 1984, 1988, 1990, 1992).
Ang kanyang kagila-gilalas na performance ay kasaysayan sa Chess Olympiad noong 1982 sa Lucerne Olympiad matapos niyang makuha ang Gold Medal in Board 2 na undefeated sa siyam na laro na may anim na panalo at tatlong tabla tungo sa kabuuang 7.5 puntos.
Nakapagtala siya ng performance rating 2615 sa nasabing Olympiad.
Walong beses din siya nasilayan sa Asian Team Chess Championships (1974, 1977, 1979, 1981, 1983, 1986, 1991, 1993) na Board 2 noong 1977, 1979, 1983 & 1991, Board 3 noong 1981 & 1986 at Board 4 noong 1993 at 1st Reserve Board noong 1974.