April 01, 2026

Home SPORTS

Ike Andrew Barilea ng Alas Pilipinas Men pool, pumanaw sa edad na 21

Ike Andrew Barilea ng Alas Pilipinas Men pool, pumanaw sa edad na 21
Photo courtesy: Alas Pilipinas Volleyball (FB)

Nagluluksa ang Philippine volleyball community sa balita ng pagkamatay ni Alas Pilipinas Men pool member Ike Andrew Barilea, sa edad na 21.

Mababasa sa Facebook post ng Alas Pilipinas Volleyball page ngayong Martes, Nobyembre 11, ang malungkot na balita para sa fans at supporters ng koponan at ni Barilea.

"The court feels emptier, and our hearts heavier. Rest easy, [Philippine flag] ALAS IKE BARILEA. Thank you for the laughter, the memories, and the heart you gave to the team. Heaven gained an angel, but we lost a piece of ours. Fly high, our dear ALAS," mababasa sa caption ng Facebook post.

Si Barilea ay bahagi ng 2025 FIVB Volleyball Men's World Championship na sinanay mismo ni Coach Angiolino Frigoni.

Naging bahagi rin siya ng koponang Alas Pilipinas-Cignal team, na lumaban sa AVC Men's Volleyball Champions League nitong 2025.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

Wala pang opisyal na pahayag mula sa pamilya ni Barilea sa dahilan ng kaniyang pagkamatay.