May 22, 2026

Home BALITA

‘Sobra na ang krimen!’ Sen. Robin, pinababalik ang death penalty sa Pilipinas

‘Sobra na ang krimen!’ Sen. Robin, pinababalik ang death penalty sa Pilipinas
Photo Courtesy: Robin Padilla (FB), Amnesty International (website)

Nanawagang muli si Sen. Robin Padilla sa pagpapanumbalik ng parusang kamatayan sa Pilipinas.

Sa latest Facebook post ni Sen. Robin nitong Miyerkules, Abril 1, sinabi niya ang dahilan kung bakit kinakailangang ibalik ang death penalty.

“Marami na naman ang magagalit sa akin,” panimula niya. “İbalik na natin ang death penalty! Tsaka pag usapan kung ano ang mga sakop nito!”

“Sobra na ang krimen, ang pagsasawalang bahala sa buhay, kahihiyan at karapatan ng bawat Pilipino,” dugtong pa ng senador.

Minsan na ring inirekomenda ni Sen. Robin na ibalik ang nasabing parusa sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs noong Abril 2023.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Layunin umano nito na hindi na maulit ang pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa walong iba pa.

Maki-Balita: Death penalty, imumungkahing ibalik ulit

Matatandaang nauna nang pinawalang-bisa ang death penalty sa Pilipinas sa ilalim ng 1987 Constitution.