Ipinanawagan ni GMA Sparkle artist Shuvee Etrata sa kaniyang fans ang panalangin at pakikiisa sa mga Cebuano na nasalanta ng mga bagyong Tino at Uwan kamakailan.
“Alam niyo ba guys, I’ve always adored the sunset in my home. Sobra kaganda and palagi ko pinagyayabang. I carry Cebu with me wherever I go,” saad ni Shuvee sa kaniyang social media post noong Lunes, Nobyembre 10.
Ibinahagi ng Aktres na dahil dito, lubos niyang ikinalungkot na makita ang mga pinsalang natamo ng kaniyang bayan at mga kapwa Cebuano.
“[M]asakit makita ang kapwa ko Cebuanos maging biktima ng pinsala ng Typhoon Tino at Typhoon Uwan. It breaks my heart to see the images, hear the cries, and recognize the faces from my own community,” ani Shuvee.
Dito ay nanawagan siya ng panalangin at donasyon para sa mga kababayan, para matulungan ang mga ito makabangon at makapagsimula muli.
“To my friends, followers, and everyone reading this — if you have even a little to give, please consider extending help. Some lost not just their homes and livelihood, but also their loved ones,” pakiusap ng Aktres.
“A few pesos, a few cans, a few prayers — they matter. Together, let’s rebuild not just houses, but hope,” dagdag pa niya.
Bago pa maging GMA Sparkle artist, si Shuvee ay ipinanganak sa Bantayan, Island, Cebu, kung saan, nakilala na siya bilang “smilingshuvee” sa TikTok, at mayroon nang milyong followers dito.
Si Shuvee ay naging housemate rin sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 1, kung saan, mas nakilala siya bilang “Island Ate ng Cebu.”
Sean Antonio/BALITA