Muling kinumpirma ng social media personality na si "Kween Yasmin" na talagang buntis siya, matapos ang isinagawang ultrasound sa kaniya sa isang ospital.
Sa Facebook post niya noong Biyernes, Marso 27, ibinahagi ng social media personality ang mga larawan nila ng dalawang nurses na nag-assist sa kaniya, gayundin ang hawak niyang sonogram.
"X-ray Ultrasound Thank you Kay Doc and two girl Nurse. Ey ka Muna dyan ey Habang nasa labas si mahal asawa ko Elmer Villacura A.k.A. Troy Tuyor," mababasa sa update ni Kween Yasmin.
"Positive na ba ulit Kween Yasmin?" tanong ng isang netizen.
"Yes," sagot naman niya.
Matatandaang kamakailan lamang, naintriga ang mga netizen sa naging update ng social media personality, na nagnegatibo ang PT niya o pregnancy test, matapos niyang unang ianunsyo na buntis na siya sa partner na si Elmer Declaro Villacura.
Maki-Balita: 'Wala pa po kong regla until now:' Kween Yasmin, kumpirmadong buntis!
Ang mas ipinag-alala ng mga netizen ay ang mga sinasabi ni Kween Yasmin na umano'y nagnegatibo ang PT niya dala marahil ng stress at galit.
Nabanggit din ng content creator ang umano'y "pagpapalaglag" ng partner sa kanilang anak.
Ipinayo naman ng fans at followers niya na magpahinga siya upang maging healthy ang baby niya.
Maki-Balita: ‘Sa stress at galit?’ Kween Yasmin, negatibo ang PT matapos amining buntis!
Maki-Balita: Baby ni Kween Yasmin, ipinalaglag ng asawa?