April 05, 2026

Home BALITA

Number coding scheme, suspendido sa paggunita ng Eid'l Fitr

Number coding scheme, suspendido sa paggunita ng Eid'l Fitr
Photo courtesy: MMDA, Pexels


Inanunsyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipagpapaliban muna nila ang expanded number coding scheme sa darating na Biyernes, Marso 20.

Kaugnay ito sa paggunita ng buong bansa sa Eid’l Fitr, o ang pagtatapos ng Pista ng Ramadan.

Ayon sa ibinabang abiso ng MMDA, awtomatiko raw na suspendido ang lahat ng number coding tuwing sasapit ang official at special non-working holidays sa Pilipinas.

“Planuhing mabuti ang inyong long weekend activities upang maiwasan ang anumang aberya. Mag-ingat sa inyong pagmamaneho,” paalala pa ng ahensya.

Photo courtesy: MMDA

Sa kaugnay na ulat, pormal naman nang inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang holiday pay rules ng bawat manggagawa kasabay pa rin sa paggunita ng Eid’l Fitr.

MAKI-BALITA: DOLE, inilabas holiday pay rules para sa Eid'l Fitr-Balita

Matatandaang inanunsyo na ng Palasyo kamakailan na isang regular holiday ang Eid’l Fitr, bilang pakikiisa sa paggunita ng kapatirang muslim sa pagwawakas ng Ramadan.