March 10, 2026

Home SHOWBIZ

Kuya Kim, binalikan interview ni Emman para sa PBB Collab

Kuya Kim, binalikan interview ni Emman para sa PBB Collab
Photo Courtesy: Kim Atienza (FB)

Ibinahagi sa publiko ni GMA trivia master Kuya Kim Atienza ang interview ng anak niyang si Emman Atienza para sa Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition.

Sa isang Facebook post ni Kuya Kim nitong Lunes, Marso 9, mapapanood ang nasabing video clip kung saan ipinakilala ni Emman ang kaniyang sarili.

"Hi, I'm Emmanuel Hung Atienza, but everyone just calls me Emman. I think I'm known on social media for being an "Englishera," ani Emman.

Ayon kay Kuya Kim, ipinadala umano sa kaniya ni ABS-CBN Chief Operating Officer Cory Vidanes ang video clip nang bumisita ang huli sa lamay ni Emman.

Hindi tuloy naiwasang mapatanong ng GMA trivia master hinggil sa isang posibilidad.

'Wag n'yo akong lalapitan!' Meiko Montefalco, ayaw na sa lalaking walang datung

Aniya, “Would my Emmansky be a good housemate?”

Matatandaang pumanaw si Emman noong nakaraang taon. Sa isang Instagram post ni Kuya Kim noong Oktubre 24, 2025, inanunsiyo niya ang tungkol dito.

"It’s with deep sadness that we share the unexpected passing of our daughter and sister, Emman,” saad ni Kuya Kim.

Sinariwa rin niya ang mga iniwang alaala ni Emman na naghatid ng saya sa kanilang buhay.

Maki-Balita: Kuya Kim, kinumpirma pagpanaw ng anak niyang si Emman Atienza