March 08, 2026

Home BALITA National

'Pananagutin natin sila!' Trillanes, tumirada sa nanakot sa testigo, imbestigador ng ICC!

'Pananagutin natin sila!' Trillanes, tumirada sa nanakot sa testigo, imbestigador ng ICC!
Photo courtesy: Antonio Trillanes IV (FB)

Opisyal na naglabas ng kaniyang pahayag si dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV tungkol sa naging pagsasampa niya ng kaso laban sa umano’y dumungis at nanakot sa mga tumayong testigo at nagsilbing imbestigador ng International Criminal Court (ICC). 

Ayon sa naging Facebook post ni Trillanes nitong Huwebes, Marso 5, 2026, makikita ang larawan ng aktwal na panunumpa niya sa pagsasampa niyang kaso sa tanggapan Department of Justice (DOJ). 

Pag-iisa-isa ni Trillanes, sinampahan niya ng kaso ang nagpakilalang 18 na dating miyembro ng Philippine Marine, at sina Atty. Levito “Levi” Baligod, dating mambabatas na si Mike Defensor, dating broadcaster na si Jay Sonza, dating NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy, at vlogger na si Cathy Binag.

KAUGNAY NA BALITA: Trillanes, kakasuhan 18 ex-marines, Baligod, Defensor, atbp!

“Ngayong araw, sinampahan ko ng iba't ibang kaso sina Levito Baligod, 18 ‘ex-Marines,’ Mike Defensor, Jay Sonza, Lorraine Badoy, at Cathy Binag sa DoJ,” pagsisimula niya. 

National

De Lima, binasag 'makikitid' na pananaw, pagtingin sa kababaihan

Photo courtesy: Antonio “Sonny” Trillanes IV (FB). 

Ani Trillanes, hindi raw niya palalampasin ang mga nasabing indibidwal dahil sa umano’y pandudungis ng mga ito sa isinagawang pagdinig ng ICC at pananakot sa mga tumayong testigo at imbestigador ng nasabing hukuman, kaugnay sa madugong giyera kontra droga sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

“Ang kanilang gawa-gawang ‘bribery scheme’ ay isang desperadong paraan para dungisan ang mga pagdinig sa ICC at takutin ang mga investigators at witnesses nito. [Pananagutin] natin sila dahil dito,” pagtatapos pa niya. 

Kaugnay nito, mariin namang nanindigan ang isa sa 18 ex-marines na wala umanong kinalaman sa kanilang desisyong paglitaw sa publiko at pagsisiwalat ng umano’y male-maletang pera sa mga opisyal ng pamahalaan noon si Mike Defensor.

Anang ex-marine, iisa lang umano ang hiling ng lahat ng mga kagaya niyang miyembro ng nagpakilalang 18 ex-marines, kundi tapusin ang korapsyon sa bansa.

KAUGNAY NA BALITA: 1 sa 18 ex-marines, nanindigang walang kinalaman sa kanila si Defensor

KAUGNAY NA BALITA: Ombudsman Remulla, kinumpirma pakikipagpulong sa ICC investigators noon

Mc Vincent Mirabuna/Balita