April 16, 2026

Home BALITA Internasyonal

Iranian president, nag-sorry sa mga nadamay na bansa sa girian sa Middle East

Iranian president, nag-sorry sa mga nadamay na bansa sa girian sa Middle East
Photo courtesy: screengrab from Associated Press (AP)


Humingi ng paumanhin si Iranian President Masoud Pezeshkian sa mga bansang nadamay sa tensyon ng bansang Iran kontra sa puwersa ng Estados Unidos at Israel.

Sa isang pahayag na ibinahagi ni Pezeshkian sa state TV ng Iran noong Sabado, Marso 7, may binitawan din siyang kondisyon sa mga naturang bansa.

"I should apologize to the neighboring countries that were attacked by Iran, on my own behalf," saad ni Pezeshkian.

"From now on, they should not attack neighboring countries or fire missiles at them, unless we are attacked by those countries,” dagdag pa niya.

Giit pa ng pangulo ng Iran, para sa kaniya ay mabibigyang solusyon ang problema kung paiiralin lamang ang diplomasiya.

“I think we should solve this through diplomacy,” anang Iranian president.

Samantala, nandindigan naman si Pezeshkian kontra sa panawagan ni United States (US) President Donald Trump na “unconditionally surrender” ng Iran sa Amerika.

"That's a dream that they should take to their grave," aniya.

Gayong wala namang direktang banta sa seguridad ng Pilipinas ang tensyong nagaganap sa Gitnang Silangan, katakot-takot naman ang posibleng epekto ng naturang girian sa presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.

KAUGNAY NA BALITA: DOE, DILG, PNP sanib-puwesa vs hoarding, profiteering ng produktong petrolyo-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA