'LAPLUVAN PERO WALANG MALISYA!'
Isang aktibidad ang inihanda ng Lungsod ng Maynila ngayong love month!
Sa imbitasyon ng Manila Public Information Office, magsasagawa ang lungsod ng aktibidad na tinawag nilang "LapLUVan: Walang Malisya."
Magaganap ito ngayong Biyernes, Pebrero 13, 2026 sa Remedios Circle sa Malate, Maynila, 4:00 PM.
"Single, taken, it’s complicated, o nasa healing era? Kasama ka rito!" saad ng Manila PIO. "Makisaya sa games, mag-enjoy sa fun booths, at makipagkiligan sa live band — good vibes lang, walang malisya."
Nag-imbita rin si Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga taga-Maynila.
"Single? Taken? Situationship? Welcome ang lahat sa Remedios Circle sa Malate bukas para sa LapLUVan: Walang Malisya! Hindi kailangan dito ng ka-date. Malay mo, dito mo pala makilala ang future half mo," sey ni Yorme.
Dagdag pa niya, "May fun booths, live bands, at dating games! Chill lang, walang pressure, basta good vibes at respeto."
Sa mga gustong makiisa, mag-register lang sa link na ito: https://tinyurl.com/lapluvan