Flinex ni Parokya ni Edgar lead vocalist Chito Miranda ang katawan niyang pangsingkwentahin kasabay ng kaniyang birthday celebration.
Sa latest Facebook post ni Chito noong Sabado, Pebrero 7, sinabi niya na bagama’t limampung taong gulang na siya, pakiramdam niya ay nasa kolehiyo pa rin siya.
“Honestly, feeling ko nasa college pa rin ako, trying my best to act like an adult... trying my best to eat healthy, to provide and take care of my family, and just trying my best to be responsible,” saad ni Chito.
Dagdag pa niya, “Actually, I don’t mind being old. Siguro dahil kuntento ako sa buhay. Wala akong regrets, at sobrang na-enjoy ko yung biyahe (kahit magulo minsan), kaya masaya ako kung nasaan ako ngayon.”
Kaya naman wala na raw pang mahihiling pa si Chito sa katatapos lang na kaarawan niya.
“Cheers!!! ” pahabol pa niya.
Matatandaang noong Nobyembre 2024 ay minsan na rin nagbahagi si Chito ng inspirasyon para sa mga naghahangad na maging healthy tulad niya.