January 24, 2026

Home BALITA Probinsya

Search and rescue operations sa gumuhong landfill sa Cebu, suspendido dahil sa pag-ulan

Search and rescue operations sa gumuhong landfill sa Cebu, suspendido dahil sa pag-ulan
Photo courtesy: via AP news

Pansamantalang inihinto ang search, rescue at retrieval operations sa gumuhong landfill sa Cebu City bunsod umano ng pag-ulan dulot ng banta ng sama ng panahon.

Sa panayam ng Unang Balita kay Bureau of Fire Protection (BFP) Special Rescue Force’s Senior Officer I Fulbert Navarro nitong Biyernes, Enero 16, 2026, inihayag niyang nagsimula raw ang pagbuhos ng ulan nitong Biyernes ng madaling-araw.

“Nakikita niyo naman po ngayon. Yung pag-ulan po kagabi, nag-start around 12 midnight. Minarapat na i-suspend muna ng ating incident commander yung ating mga search, rescue and retrieval operations kasi masyadong delikado doon sa loob,” saad ni Navarro.

Sa kabila nito, simiguro din niya na nakahanda raw silang muling ipagpatuloy ang operasyon kung sakaling may bago na raw instruksyon sa kanila.

Probinsya

Taxi driver na tinangkang molestiyahin pasahero niya sa Davao City, tinutugis na!

“Pero yung mga equipment namin, lahat nandoon pa rin kami, amaloit lang. So, inaantabayanan muna namin yung additional instructions kung kailan magsisimula ulit yung operations,” ani Navarro.

Batay sa pinakabagong tala, umabot na sa 27 katao ang nasawi sa pagguho ng nasabing landfill, habang patuloy naman ang pagtukoy ng mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng mga biktima. 

Samantala, nasa 10 indibidwal pa ang hindi pa nahahanap ayon kay Navarro.

Matatandaang noong Enero 8 nang gumuho ang naturang landfill. Kaugnay nito, mabilis na ipinag-utos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Central Visayas ang pag-iisyu ng cease and desist order sa pamunuan nito Prime Integrated Waste Solutions, Inc. (PWS).

“After the January 9 site inspection, DENR EMB Region VII issued an immediate Cease and Desist Order to Prime Integrated Waste Solutions, Inc. under EMB MC 2007-002, halting landfill operations except for rescue, retrieval, and cleanup activities. The company has been called to a Technical Conference to establish facts and submit a compliance plan within 90 days,” saad sa pahayag ng DENR 7 noong Lunes, Enero 12.

KAUGNAY NA BALITA:  ‘Cease and Desist Order,’ ibinaba ng DENR sa gumuhong landfill sa Binaliw, Cebu City