April 13, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaki, nakuryente sa taniman; nanay na sumaklolo, patay din!

Lalaki, nakuryente sa taniman; nanay na sumaklolo, patay din!

Patay ang isang 73-anyos na babae at ang kaniyang 39-anyos na anak matapos silang kapwa makuryente sa kanilang taniman ng talong sa bayan ng Patnongon, Antique.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na unang nakuryente ang anak matapos umano niyang mahawakan ang aluminum na bahagi ng isang kable na nadikit sa electric outlet.

Ayon sa mga imbestigador, agad na nilapitan ng ina ang anak nang makita niyang bigla itong bumagsak upang tulungan sana ito. Ngunit sa paglapit niya ay nakuryente rin ang matanda.

Nabatid sa imbestigasyon na may linya ng kuryente sa taniman na ginagamit para paandarin ang water pump na nagdidilig sa mga pananim.

“Ang wire, nagku-cross sa taniman. Sinaksak niya ang duplex wire. Siguro, pagsaksak niya ng plug sa outlet, ang aluminum part, nakasagi sa live wire at iyon naman, nahawakan niya kaya siya nakuryente,” paliwanag ni John Rowell Jomolo, imbestigador ng Patnongon Municipal Police Station.

Probinsya

‘One Cainta Pantry,’ muling binuhay dahil sa krisis

Patuloy na pinaaalalahanan ng pulisya ang publiko na mag-ingat sa paggamit ng mga linya ng kuryente lalo na sa mga sakahan upang maiwasan ang kaparehong insidente.