Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang umano’y suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa walong taong gulang na batang lalaki sa San Pablo City, Laguna.
Ayon sa mga ulat, isang testigo umano ang lumapit sa pulisya at nagsabing nasaksihan ang aktong pagpatay ng suspek sa biktima. Positibo niyang itinuro ang lalaking pinsan ng magulang ng bata.
Sa ambush interview ng media sa suspek, mariin naman niyang itinanggi ang idinidiin sa kaniyang akusasyon.
"Mali ang paratang... Hindi ko po ginagawa 'yon. Hindi ko po alam sa kanila, malinis ang konsensya ko,” anang suspek.
Hinala ng pulisya, posibleng ang away-bata ang motibo ng suspek dahil palagi umanong magkaaway ang apo niya at ang biktima.
Matatandaang noong Enero 10, nang mawala ang biktima na noo’y papasok na raw sana sa eskwela. Matapos ang paggalugad sa makitid at maggubat na daan sa kanilang tahanan, natagpuan ang bangkay niya na tadtad ng mga taga sa iba’t ibang parte ng katawan, tapyas ang tainga at putol-putol ang mga daliri.
KAUGNAY NA BALITA: 8-anyos na batang papasok sa eskwela, natagpuang patay; tainga at mga daliri ng biktima, pinagtataga!
Matatandaang nauna nang inihayag ng mga awtoridad na may tinutukoy na silang person of interest na hango sa mga salaysay ng ilang resiednte. Anila, isnag lalaki umano ang namataan na may mga dugo sa damit, bago nito bago mangyari ang krimen ay namataan din siyang naghahasa ng itak.