Malugod na tinanggap ng Pamilya Duterte ang pagbasura ng International Criminal Court Appeals Chamber sa interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes, Nobyembre 28.
"The family accepts the ICC Appeals Chamber's decision with peaceful hearts," pahayag ng Pamilya Duterte matapos ibasura ng appeals chamber ang pansamantalang paglaya ng dating pangulo.
"We will continue to work with the defense team on the case and will keep supporting Former President Rodrigo Duterte with our daily conversation," dagdag pa nila.
Nagpasalamat din sila sa mga nakasama nilang manalangin ngayong araw.
Courtesy: Congressman Omar Duterte/Facebook
Tatlong apela ang ibinasura ng ICC at saka unanimously na hindi pinayagang pansamantalang makalabas mula sa ICC detention center si Duterte.