Ikinasa na sa lungsod ng Maynila ang “Anti-Balaclava” ordinance o ang pagbabawal ng kasuotang nagtatakip sa mukha sa loob ng mga pampublikong establisyimento.
Ayon sa pahayag ng Manila Public Information Office (PIO) sa kanilang social media noong Sabado, Nobyembre 22, partikular na ipinagbabawal ang pagsusuot ng balaclava na kilala rin bilang ski mask o racing mask, face mask (maliban sa pangkalusugang kadahilanan), hoodie na matatakpan ang mukha, at anu mang headgear sa loob ng commercial at government buildings, o kapag naka-standy sa motorsiklo.
Base pa sa nasabing post ng opisina, hindi saklaw ng nasabing ordinansa ang mga panahon ng public health emergencies kung saan direktiba ng Department of Health (DOH) ang pagsusuot ng face mask.
Ang mga driver at pasahero na nakasakay pa rin sa motor at pansamantalang nakahinto bilang pagsunod sa traffic signs.
Ang law enforcers na nasa kasagsagan ng duty, at mga Manilenyo na miyembro ng relihiyon na gumagamit ng mga headgear bilang parte ng kanilang pananampalataya.
Kung sino man ang lumabag dito, sisingilin ng ₱1,000 sa unang offense; ₱3,000 sa pangawalang offense; at ₱5,000 sa pangatlong at mga susunod pang offense at posibleng 15 day na pagkakakulong, at rekomendasyon para sa revocation ng driver’s license sa Land Transportation Office (LTO).
Sean Antonio/BALITA