February 11, 2025

Home SHOWBIZ

Marvin Agustin, isiniwalat favorite s*x position

Marvin Agustin, isiniwalat favorite s*x position
Photo Courtesy: Marvin Agustin (FB)

Walang pag-aalinlangang ibinahagi ng chef-actor na si Marvin Agustin ang kaniyang favorite s*x position sa latest episode ng The KoolPals kamakailan.

Bago kasi magsimula ang nasabing podcast, nagkaroon muna ng slumbook questions para kay Marvin at sa “Ex Ex Lovers” co-star nitong si Jolina Magdangal.

“Siyembre, batang 90s. Babalikan natin 'yong mga slum book questions,” saad ni GB Labrador. “Umpisahan natin sa–”

“Favorite sex postion,” agaw ni James Caraan.

Teleserye

Maris Racal, nag-react sa eksena niyang nagtatatakbong naka-bra at panty lang

“Wala sa slum book 'yan,” sita nina Nonong Ballinan at GB Labrador.

Pero sinagot pa rin ni Marvin ang tanong, “Dog style, ay sumagot!”

“Ay sumasagot ka pa!” saway naman ni Jolina.

“Ano ba ‘yong pinakain n’yo sa akin?” natatawang sabi ni Marvin. “Kung ano-ano tuloy nasasabi ko.”

Matatandaang sa vlog ni Diamond Star Maricel Soriano kamakailan ay may naibuking din si Marvin tungkol kay Jolina.

MAKI-BALITA: Buking ni Marvin: Jolina, grabe mag-toothbrush bago umeksena