Napa-react ang OPM singer na si "Dionela" sa mga tila "nandadamay" sa kaniya sa viral Facebook post ng isang babae patungkol sa kaniyang nag-cheat na boyfriend, na isang guro, at sa co-teacher nito.
Nakakaladkad kasi ang "Marilag" na titulo ng kaniyang hit song, matapos mabasa sa ibinahaging screenshot ng babaeng uploader ang tawag ng lalaki sa kaniyang umano'y bagong babae sa buhay niya.
Sa Facebook post ni Abigail Sobreo noong Martes, Pebrero 4, isinalaysay niya nang detalyado kung paano humantong sa hiwalayan ang relasyon nila kalakip ang mga “resibo.”
“7 years over 2 weeks (daw). Hindi ko ineexpect na hahantong tayo sa gantong sitwasyon. Yung dadating sa point na yung kinakatakot kong mangyare and inaakala kong hinding hindi mo magagawa sakin is nagawa mo,” saad ni Abigail sa caption.
MAKI-BALITA: '7 years over 2 weeks:' Girlfriend, pinagpalit umano ng boyfriend niya sa co-teacher nito
Kaya reaksiyon ni Dionela sa kaniyang Facebook post noong Pebrero 4, "la q kinalaman sa pinag gagagawa nyo oi"
"Nadamay pa for todeis bijo," giit pa ng mang-aawit.