Isa ka rin ba sa mga napa-react sa naglipanang mga kataga sa balita, tulad ng: “Hindi ko na po maalala, Your Honor,” “Appointed Son of God,” “Isang Kaibigan,” at “Duran Duran”?
Bago sumambulat ang isa na namang bagong taon para sa lahat, halina’t balikan muna ang mga kontrobersiya sa mundo ng politika na talagang pinag-usapan sa bansa nitong 2024.
Si Alice Guo, ang POGO, at ang #SenateFlix
“Your honor, hindi ko na po maalala…”
Ito ang isa sa mga tumatak na linya ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na ngayo’y kinikilala bilang Chinese national Guo Hua Ping, sa nagdaang mga pagdinig ng Senado ukol sa umano’y pagkakasangkot niya sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operation (POGO).
Nagsimula ang pag-imbestiga kay Guo noong Mayo nang i-raid ang ilegal na POGO sa nasasakupan niyang munisipalidad. Pinagdudahan din ang kaniyang identidad dahil wala raw itong school at hospital records, at tanging “hindi ko po alam” at “hindi ko na po maalala” ang mga sagot niya nang usisain ang ilang mga impormasyon hinggil sa kaniyang pagkakakilanlan.
MAKI-BALITA: Mayor ng Bamban, Tarlac, walang school at hospital records?
Sa mga nagdaang Senate hearing na tinutukan ng netizens at tinawag pang “#SenateFlix”, ang tanging mga impormasyong ibinigay ni Guo hinggil sa kaniyang sarili ay lumaki siya sa farm, homeschooled siya at si “Teacher Rubilyn” ang tanging nagturo sa kaniya. Nagkaroon din ng drama si Guo na “love child” daw siya ng kaniyang Chinese father at maid nilang Pilipina. Ngunit lumabas sa imbestigasyong nagsinungaling lamang daw si Guo at isa talaga siyang Chinese national.
Tinangka rin ng pinatalsik na alkaldeng tumakas, kung saan isiniwalat ni Senador Risa Hontiveros noong Agosto 19 na nakaalis na ng Pilipinas si Guo noon pang Hulyo 18, 2024 at nagtungo sa Kuala Lumpur, Malaysia. Naaresto naman ang pinatalsik na alkalde sa Indonesia noong Setyembre 4. Lumabas din ang mga kontrobersiya nang pabalikin si Guo sa Pilipinas dahil sa nag-viral na tila masaya at naka-peace sign pa niyang larawan kasama sina noo’y DILG Sec. Benhur Abalos at PNP chief Rommel Marbil.
MAKI-BALITA: Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, arestado na!
MAKI-BALITA: DILG Sec. Abalos, iginiit na 'di niya kilala si Alice Guo: 'Hindi ko ho close!'
Sa kasalukuyan ay nakadetine si Guo sa Pasig City Jail. Nahaharap siya sa mga kasong human trafficking, money laundering, fraud, tax evasion, at falsification of documents bunsod ng pagkakasangkot niya sa POGO.
Ang pagbibitiw ni dating SP Migz at pag-iyak ni Sen. Bato
Noong buwan ng Mayo nang bumaba sa puwesto bilang Senate President si Senador Migz Zubiri matapos ang umugong na impeachment laban sa kaniya. Labinlimang senador umano ang bumoto para patalsikin si Zubiri sa puwesto.
MAKI-BALITA: ALAMIN: 15 senador na bumotong patalsikin si Zubiri bilang Senate president
Kasama sa mga naging usap-usapang dahilan ng pagpapatalsik kay Zubiri ang pagpayag niya kay Senador Bato dela Rosa na imbestigahan ang usapin hinggil sa umano’y PDEA leaks na nagsasangkot kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ilegal na droga.
MAKI-BALITA: ‘Marcos group’, galit daw kay Zubiri nang payagan si Dela Rosa mag-hearing
Samantala, iginiit ni Dela Rosa na na-”trigger” umano muli ang planong patalsikin si Zubiri nang hindi nito payagan si Senador Bong Revilla noong una na dumalo sa plenary sessions online kahit na injured ang isang paa nito.
MAKI-BALITA: Paa ni Bong Revilla, dahilan para ‘masipa’ si Migz Zubiri bilang Senate president?
Naging usap-usapan din sa nangyari ang pag-iyak ni Dela Rosa sa araw kung kailan opisyal na magbitiw si Zubiri sa puwesto, ngunit lumabas na isa siya sa mga senador na bumotong patalsikin siya. Ayon kay Zubiri, noong una ay “heartbroken” siya sa nangyari, hanggang sa naging “dumbfounded” na daw siya nang malamang maging si Dela Rosa ay lumagda para patalsikin siya. Klinaro naman ni Dela Rosa na wala siyang sama ng loob kay Zubiri at lumagda lamang umano siya sa resolusyong patalsikin ito dahil sa kaniyang mga kapartido.
MAKI-BALITA: Zubiri, nag-react sa pagboto ni Bato na mapatalsik siya: ‘Hindi ko ma-gets’
MAKI-BALITA: Bato kay Zubiri: ‘Sorry, boss, I failed to win the war for you’
Pinalitan si Zubiri sa pagiging pangulo ng Senado ni Senador Chiz Escudero.
MAKI-BALITA: Escudero, nanumpa na bilang bagong Senate president
Turuan nina PBBM at FPRRD kung sinong gumagamit ng droga
Nagsimulang pumutok ang iringan nina Pangulong Bongbong Marcos at dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa ilegal na droga noong buwan ng Enero.
Sa isinagawang “Hakbang ng Maisug Leaders Forum” prayer rally na ginanap sa Davao City noong Enero 28, isiniwalat ni FPRRD na kasama sa drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si PBBM, at sinabihan pa niya itong “bangag” at “drug addict.”
MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, isiniwalat na kasama sa ‘drug watchlist’ si PBBM
MAKI-BALITA: PBBM ‘bangag’, ‘drug addict’, sey ni ex-Pres. Duterte
Itinanggi naman ng PDEA na kasama sa drug watchlist si PBBM.
MAKI-BALITA: PDEA, kinontra si ex-Pres. Duterte; itinangging nasa drug watchlist si PBBM
Sinagot din ni PBBM ang naturang pahayag ni FPRRD, at sinabing tumitira umano ito ng “fentanyl.”
MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte tumitira daw ng 'fentanyl,' banat ni PBBM
Samantala, hindi doon natapos ang kontrobersiya hinggil sa paggamit ng ilegal na droga. Noong buwan ng Hulyo nang kumalat ang isang video ng paggamit umano ni PBBM ng ilegal na droga na ipinalabas daw sa Maisug gatherings sa Vancouver, Canada at Los Angeles, USA.
Pinabulaanan naman ng Department of National Defense (DND) ang naturang video, at sinabing ito umano ay isang “maliciously crude attempt to destabilize the administration.”
MAKI-BALITA: DND, pinabulaanan ang malisyosong video tungkol kay PBBM
Samantala, matapos igiit ni FPRRD na walang kinalaman ang Hakbang ng Maisug national leadership sa naturang video, hinamon niya si PBBM na magpa-hair follicle drug test upang mapatunayan daw na hindi ito totoo. Hindi naman sinagot ni PBBM ang naturang pahayag ni FPRRD.
MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, hinamon si PBBM na magpa-hair follicle drug test
Si FL Liza at ang wine glass ni SP Chiz
Noong buwan ng Hunyo nang maging usap-usapan ang video ng naging pag-inom ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa wine glass ni Senate President Chiz Escudero sa ginanap na Vin d’Honneur sa Malacañang para sa Araw ng Kalayaan, Hunyo 12.
Base sa video, makikita ang pakikihalubilo ni Pangulong Bongbong Marcos at asawang si FL Liza sa dumalong foreign dignitaries at national leaders, kabilang sina Escudero at House Speaker Martin Romualdez. Habang nakikipag-usap si PBBM kay Romualdez, kinuha ni FL Liza ang wine glass ni Escudero at uminom dito.
MAKI-BALITA: Pag-inom ni FL Liza sa wine glass ni SP Chiz, usap-usapan
Matapos umani ng samo’t saring reaksyon, nagpaliwanag si FL Liza at sinabing nangyari ito sa gitna ng biruan nila ni Escudero na nakilala na raw niya noong nag-aaral pa lamang siya ng abogasya at naging magkaibigan na raw sila simula noon.
MAKI-BALITA: FL Liza, nagpaliwanag sa naging pag-inom niya sa wine glass ni SP Chiz
Naglabas naman ng pahayag dito si Escudero at sinabing naging “maginoo at nakikipagkapwa-tao” lamang daw siya nang mga panahong iyon.
MAKI-BALITA: SP Chiz, nagsalita na sa viral na pag-inom ni FL Liza sa wine glass niya
Ang pag-aresto kay ‘Appointed Son of God’ Apollo Quiboloy
Unang nakilala si Pastor Apollo Quiboloy bilang self-proclaimed “Appointed Son of God” na founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC). Ngunit naging matunog ang pangalan ni Quiboloy nang masangkot siya sa mga kasong human trafficking, child abuse, at sexual abuse at naging wanted din sa United States. Sa mga naging pagdinig ng Senado, isiniwalat ni Senador Risa Hontiveros ang mga testimonya ng mga biktima umanong naabuso ni Quiboloy.
Mula sa pagiging “Appointed Son of God,” binansagang “pugante” si Quiboloy ng mga awtoridad dahil sa kaniyang pagtatago nang hainan siya ng arrest warrants. Naging usap-usapan din ang pagpasok ng mahigit 100 pulis sa iba't ibang mga compound ng KOJC sa Davao City at Sarangani province noong Hunyo upang isilbi ang warrants of arrest ni Quiboloy ngunit hindi nila ito natagpuan. Kinondena ito ng mga tagasunod ng pastor at tinawag itong "Day of Infamy” dahil ilang mga indibidwal umano ang nasaktan at "marami" raw mga ari-arian ng KOJC ang nasira sa gitna ng operasyon ng PNP.
MAKI-BALITA: Mahigit 100 pulis, pinasok KOJC compound para sa warrants ni Quiboloy
Noong Hulyo nang ianunsyo ni noo’y DILG Sec. Benhur Abalos na bibigyan ng ₱10 milyong pabuya ang sinumang makapagbibigay ng impormasyong magiging dahilan ng pagkaaresto kay Quiboloy. Ayon kay Abalos, mayroon umano silang mga “kaibigan” na siyang nag-offer ng naturang reward na ₱10 million. Tinapatan naman ito ng KOJC at nag-alok ng ₱20 milyon para sa makapagsasabi kung sino ang nag-donate ng ₱10 milyong pabuya sa DILG para mahuli ang pastor.
MAKI-BALITA: P10M pabuya, ibibigay sa makapagtuturo kay Quiboloy – Abalos
MAKI-BALITA: KOJC, nag-aalok ng P20M para matukoy nagbigay pabuya para mahuli si Quiboloy
Matapos ang mahigit dalawang linggong pagtatago, noong Setyembre 8 ng gabi nang maaresto ng mga awtoridad si Quiboloy sa loob ng compound ng KOJC pagkatapos umano niyang lumantad at sumuko.
BASAHIN: TIMELINE: Pastor Apollo Quiboloy saga
Sa kasalukuyan ay nakadetine si Quiboloy sa Camp Crame. Ngunit sa kabila nito, naghain ang pastor ng kaniyang kandidatura sa pagkasenador para sa 2025 dahil daw sa “Diyos at Pilipinas.”
MAKI-BALITA: Apollo Quiboloy, naghain ng COC sa pagkasenador: ‘Dahil sa Diyos at Pilipinas’
Noong buwan ng Oktubre nang maghain si labor leader at senatorial aspirant Sonny Matula ng petisyon para kanselahin ang kandidatura ni Quiboloy dahil umano sa “material misrepresentation,” ngunit ibinasura ito ng Commission on Elections (Comelec) nitong Disyembre dahil kulang umano ang ebidensyang ipinakita ni Matula upang makumbinsi silang gawing nuisance candidate si Quiboloy.
MAKI-BALITA: Sonny Matula, pinakakansela kandidatura ni Apollo Quiboloy
MAKI-BALITA: Petisyong i-disqualify si Quiboloy bilang senatorial candidate, ibinasura ng Comelec
Si VP Sara at ang kaniyang ‘Isang Kaibigan’
Noong buwan ng Agosto nang tumatak sa publiko ang katagang “Isang Kaibigan” na pamagat ng aklat ni Vice President Sara Duterte matapos usisain ni Senador Risa Hontiveros sa pagdinig para sa 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP) kung tungkol saan ang aklat. Tinanong din ng senadora kung ilang kopya ng “Isang Kaibigan” ang bibilhin ng gobyerno sa halagang ₱10 milyon, at ipamamahagi sa publiko.
Ngunit bago sagutin ni Duterte kung tungkol saan ang libro, iginiit niyang pinupulitika umano ni Hontiveros ang budget hearing: “Ang problema niya kasi, nakalagay ‘yung pangalan ko doon sa libro, at 'yung libro na 'yan ibibigay namin doon sa mga bata. At 'yung mga bata na 'yan may mga magulang na boboto, at 'yung pangalan ko ay nagkalat doon sa kung saan man ibibigay 'yung libro.”
Binanggit na rin ng bise presidente sa naturang pagdinig ang nangyari umano noong eleksyon ng 2016 kung saan nagpatulong sa kaniya si Hontiveros upang manalo sa pagkasenador, ngunit nang mahalal na raw ito ay naging pinakauna pang umatake sa kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, ibinalik naman ni Senador Grace Poe, chairperson ng naturang pagdinig, ang usapin tungkol sa libro, at doon na sinagot ni Duterte na tungkol ito sa pagkakaibigan: “The explanation is in the title: ‘Isang Kaibigan.’ It’s about friendship.”
“Kung sana ganoon yung sagot noong simula pa... Nagkuwento pa ng kuwento na sinabi dati na walang kinalaman sa tanong ko. This is public funds and we are making inquiries. Budget hearing po ito. Hindi po lahat about you. Pera po ito ng taumbayan,” sagot naman ni Hontiveros kay Duterte.
MAKI-BALITA: VP Sara, Sen. Risa nagkairingan; hindi maintindihan ugali ng isa't isa
MAKI-BALITA: TINGNAN: Ano nga ba ang nilalaman ng 'Isang Kaibigan' book ni VP Sara Duterte?
Matapos nito, naglipana na sa social media ang tungkol sa “Isang Kaibigan” ni Duterte. Dahil sa leksyon ng aklat, muli ring inungkat at kinonekta ng ilang netizens ang nag-viral na larawan ng bise presidente noong Hulyo na lumipad pa-Germany sa gitna ng pananalasa ng bagyong Carina.
MAKI-BALITA: VP Sara Duterte, lumipad pa-Germany
MAKI-BALITA: OVP, nagsalita hinggil sa pangingibang-bansa ni VP Sara kahit binabagyo PH
Si PBBM at ang ‘Duran Duran’
Noong Setyembre naging usap-usapan ang naging pagdiriwang sa kaarawan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, dahil nagkaroon pa ng private concert ang international pop rock band na “Duran Duran.”
Base sa Facebook post ng vlogger na si Sass Sasot, nagkaroon si Marcos ng "private party" sa Manila Marriott Hotel, kung saan nag-perform doon ang Duran Duran.
“Duran Duran I know that it is included in your contract to keep this private concert VERY PRIVATE. But we have GMA News and Rappler to confirm that you were flown to have a private concert for the birthday of Philippine President Bongbong Marcos. Please fact check Vera Files.
So difficult to get pics and videos...very demure, very cutesy, very exclusive,” ani Sass Sasot sa kaniyang post.
Matapos umani ng sari-saring reaksiyon sa social media ang naturang “magarbo” raw na pagdiriwang sa kaarawan ni PBBM, naglabas ng pahayag dito ang Presidential Communications Office (PCO).
Paliwanag ng PCO, surpresa lamang umano ng “old friends” ni PBBM ang naturang birthday celebration na may kasamang performance ng Duran Duran.
“After a tiring day filled with official engagements, he attended a party thrown by his old friends at a hotel in Pasay, and to his surprise and appreciation, music was provided by Duran Duran,” paliwanag ng PCO.
Iginiit din ng PCO na ginugol daw ni PBBM ang kaniyang kaarawan sa pagtatrabaho bilang pangulo.
MAKI-BALITA: PCO, kinumpirmang nag-perform ang Duran Duran sa party ni PBBM, pero 'regalo' lang ng 'old friends'
Si Sen. Robin at kaniyang “in heat” remark
Noong buwan ng Agosto nang umani ng samu’t saring reaksiyon ang naging mga pahayag ni Senador Robin Padilla tungkol sa kailangan pa ba ng “consent” sa pagtatalik ng mag-asawa.
Sa nangyari kasing Senate Committee on Public Information and Mass Media tungkol sa umano'y sexual harassment sa media industry, napag-usapan ang tungkol sa "rape." Dito inilahad ni family lawyer at women’s rights advocate Atty. Lorna Kapunan na nangyayari pa rin ang "rape" sa mag-asawa.
Tinanong naman ni Padilla ang tungkol sa “obligasyon” daw ng babae o lalaki na pagbigyan ang kaniyang asawa kung humiling ito: “So yung dati po na sinasabi na obligasyon ng asawa na babae o lalaki na kapag ka humiling ang asawa, lalaki o babae, dapat pagbigyan, hindi na po 'yan?”
Nang sabihin ni Kapunan na hindi maaaring puwersahin ang asawa sa pakikipagtalik at aplikado sa parehong kasarian ang “no means no,” sinabi ng senador na mayroon umanong “sexual rights” ang isang tao sa kaniyang asawa.
"Hindi mo maiaalis sa mag-asawa na ang paniniwala—lalo kami, ako—meron kang sexual rights sa asawa mo eh. So halimbawa, hindi mo naman pinipili eh kung kailan ka yung in heat. Papaano yun? 'pag ayaw ng asawa mo, so wala pong ibang paraan talaga para ma-ano yung lalaki? So papano yun, mambababae ka na lang ba? 'Di kaso na naman yun.. Ano yung pwedeng sabihin sa asawa mo na 'paano ako? Wala ka sa mood, paano akong nasa mood?" giit ni Padilla.
MAKI-BALITA: Padilla, naniniwalang may sexual rights sa asawa: 'Hindi mo naman pinipili kung kailan ka in heat'
Si Richard Gomez at ang ‘nananahimik’ na EDSA bus lane
Noong buwan ng Agosto nang maging usap-usapan ang “panggigigil” ni Leyte 4th District Representative Richard Gomez sa mabagal na daloy ng trapiko na pinagdiskitahan pa raw ang bus lane.
Sa isang burado nang post, naglabas ng himutok si Gomez sa EDSA traffic, at saka iminungkahing buksan na lamang sa mga motorista ang bus lane tuwing mabigat ang trapiko.
“2 hours in EDSA traffic and counting. From Makati, Ayala nasa SM Edsa pa lang ako up to now. Eh QC ang punta ko. 1 or 2 hours pa ba?! Ilang bus lang ang gumagamit ng bus lane, bakit hindi buksan during heavy traffic para mas lumuwag ang traffic?” ani Gomez.
MAKI-BALITA: Richard Gomez nanggigil sa traffic, pinabubuksan ang bus lane
Nag-viral at umani ng mga komento ang naturang post ni Gomez, kung saan sinabihan ito ng ilang na “entitled.”
Nagbigay rin ng suhestiyon si Atty. Chel Diokno hinggil sa reklamo ng mambabatas, at sinabing kailangang sistematiko at makakatulong sa nakararami, lalo na sa mga komyuter, ang maging hakbang ng pamahalaan sa pagbigay-solusyon sa mabigat na daloy ng trapiko sa bansa, lalo na sa Metro Manila.
MAKI-BALITA: Chel Diokno, may suhestiyon sa himutok ni Richard Gomez hinggil sa traffic
Ang mala-’KathNiel’ na BBM-Sara breakup
Tila tinalo umano ang “KathNiel” breakup ng pagkabuwag ng tandem nina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte.
Naging maugong ang “breakup” nina Marcos at Duterte nang magbitiw ang huli bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) noong buwan ng Hulyo. Sinundan pa ito ng hindi pagdalo ni Duterte sa State of the Nation Address (SONA) ni Marcos.
Noon namang Setyembre, iginiit ni Duterte na hindi sila magkaibigan ni Marcos at nagkakilala lamang umano sila dahil naging running mates sila noong Eleksyon 2022. Ipinahayag naman ni Marcos ang kaniyang pagkadismaya sa sinabi ni Duterte at sinabing: “Maybe I was deceived.”
MAKI-BALITA: VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon
MAKI-BALITA: PBBM, inakala raw na magkaibigan talaga sila ni VP Sara: ‘Maybe I was deceived’
Sa isang press conference noong Oktubre ay sunod-sunod ang naging patutsada ni Duterte laban kay Marcos. Sinabihan ng bise presidente ang pangulo na “incompetent” at gusto raw niya itong “pugutan ng ulo” dahil daw sa napahiyang estudyante noong dumalo sila sa isang graduation ceremony.
MAKI-BALITA: ‘1 out of 10 ang rating!’ PBBM, ‘di marunong maging presidente — VP Sara
MAKI-BALITA: VP Sara, gustong pugutan ng ulo si PBBM dahil sa napahiyang estudyante
Pagkatapos nito, noong Nobyembre nang isiwalat ni Duterte na mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal na kung pinatay raw siya, papatayin naman umano nito si Marcos at maging sina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!
Binuweltahan naman ni Marcos si Duterte at iginiit niyang hindi ito dapat palampasin.
MAKI-BALITA: PBBM sa 'death threats' ni VP Sara sa kaniya: 'Yan ay aking papalagan!'
Matapos ang lahat ng ito, sinabi ni Duterte na “point of no return” na ang alitan nila ni Marcos, ngunit sinabi naman ng pangulo na “never say never” at bukas daw siya sa pakikipagbati sa bise presidente.
MAKI-BALITA: ‘Never say never!’ PBBM, ‘di sinasara pakikipagbati kay VP Sara
Sa ngayon ay nahaharap si Duterte sa tatlong impeachment complaints sa House of Representatives matapos ang naging “banta” niya sa pangulo at maging sa usapin ng umano’y maling paggamit ng confidential funds nito.
MAKI-BALITA: Grounds ng impeachment laban kay VP Sara, inisa-isa ng civil society leaders
MAKI-BALITA: Paghahain ng ikalawang impeachment case vs VP Sara, sinabayan ng protesta!
MAKI-BALITA: Ikatlong impeachment complaint vs VP Sara, inihain ng mga pari, abogado
Kamakailan lamang ay lumabas sa Philippine Statistics Authority (PSA) na 1,322 sa 1,992 umano’y tumanggap ng confidential funds ng OVP ang walang birth records, habang 405 sa 677 umano’y benepisyaryo ng confidential funds ng Department of Education (DepEd), panahon kung kailan si Duterte ang kalihim, ang walang record of birth.
MAKI-BALITA: 1,322 sa 1,992 umano’y recepients ng confi funds ng OVP, walang birth records sa PSA
MAKI-BALITA: 405 sa 677 umano'y benepisyaryo ng confi funds ni VP Sara, walang record of birth sa PSA