November 23, 2024

Home BALITA National

ACT, kinondena 'pagdadrama' ni VP Sara: 'Another squid tactics!'

ACT, kinondena 'pagdadrama' ni VP Sara: 'Another squid tactics!'
Photo Courtesy: ACT, Sara Duterte (FB)

Kinondena ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines (ACT) ang umano’y theatrical display ni Vice President Sara Duterte sa Kamara matapos i-contempt ng House of Representatives ang kaniyang chief of staff na si Zuleika Lopez.

MAKI-BALITA: VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Sa inilabas na pahayag ng ACT nitong Sabado, Nobyembre 23, sinabi ni ACT Teachers Party-list President Antonio Tinio na isa na naman daw itong squid tactics upang maibaling sa iba ang isyu ng ₱125 million confidential funds na ginasta sa loob ng 11 araw.

“This orchestrated drama is nothing but another squid tactics to deflect the public eye from her office’s questionable utilization of P125 million in confidential funds spent in just 11 days," saad ni Tinio.

National

VP Sara, wala raw dahilan para patayin si PBBM: ‘Buti kung tagapagmana ako ng nakaw na yaman!’

Dagdag pa niya, “The recent developments in the congressional hearings reveal alarming irregularities including the submission of dubious accomplishment reports with fictitious names and signatures, flagrant violation of COA regulations in the use of confidential funds, and allegations of bribery within DepEd involving removal of officials who do not comply with unauthorized orders.” 

Giit naman ni Vladimer Quetua, ACT Chairperson, “We will not turn a blind eye to the corruption involving the Vice President and former DepEd Secretary, especially while teachers and students suffer in classrooms plagued by severe shortages, an issue at the heart of the declining quality of education.”

Bukod dito, inihayag ni Quetua ang kaniyang pagkadisgusto sa pinapalaganap ni Duterte na kultura ng impunidad at lantarang kawalang-respeto sa pamamagitan ng mga tirada nito.

“This display mirrors the conduct of her father, Rodrigo Duterte, whose crass language and disregard for human rights have left a lasting stain. Both of them serve as appalling role models for the youth and the Filipino people," dugtong pa niya.

Matatandaang isiniwalat ni Duterte sa isang virtual press conference na kung sakali raw na ipapatay siya ay may tao na raw siyang binilinan upang patayin sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez . 

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’