December 22, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Pelikula nina Zanjoe, Daniel made-delay?

Pelikula nina Zanjoe, Daniel made-delay?
Photo Courtesy: Star Magic, Ricky Lee (FB)

Ibinahagi ng aktor na si Zanjoe Marudo ang dahilan kung bakit maantala pansamantala ang pelikula nila ni Kapamilya Star Daniel Padilla na “Nang Mapagod Si Kamatayan.”

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal nitong Huwebes, Nobyembre 21, sinabi ni Zanjoe na binigyang-prayoridad daw ni Daniel ang teleseryeng “Incognito” habang siya naman ay inuna muna ang responsibilidad bilang ama sa panganay nila ng misis niyang si Ria Atayde.

“Actually, magsisimula na dapat talaga kami no’n kaya lang hindi na namin nasimulan. Pero nando’n na, mag-shoot na kami ng day one,” saad ni Zanjoe.

"Pero ang nangyari lang kasi, nag-usap kaming mabuti ni Daniel at saka ng production, dahil napakaganda ng concept,” aniya.

Pelikula

Julia Montes, dinaig sa bakbakan si Coco Martin

Dagdag pa ng aktor, “Galing ito sa istorya ni Ricky Lee [...] napakaganda niya. Napakahirap din naman isulat. [...] Saan ka nakakita ng istorya na si kamatayan at ang tao mag-best friend?”

Gayunman, nilinaw ni Zanjoe na bagama’t pansamantala nilang inaayos ang kuwento, matutuloy pa rin naman daw ang nasabing pelikula.

Aniya, “Kasi, minsan lang naman kami magkatrabaho ni DJ. Sayang naman kung hindi naman namin talaga todo seryosohin at matindi na malupit ‘yong istorya.”

Matatandaang Abril 2023 pa nang maiulat na bibida si Daniel sa pelikulang galing mismo sa kuwentong pambatang isinulat ng isang National Artist.

MAKI-BALITA: Daniel Padilla, bibida sa isang movie mula sa short story ni National Artist Ricky Lee