December 22, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Anyare?' Paolo Contis, single na ulit

'Anyare?' Paolo Contis, single na ulit
Photo Courtesy: Paolo Contis (FB, IG)

Kinumpirma ni Kapuso actor Paolo Contis na single siya nang kapanayamin siya sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, Nobyembre 14.

Sa segment ng talk show na kung tawagin ay “Fast Talk,” nausisa si Paolo kasama si Kokoy De Santos kung single o taken ba sila.

Sagot ni Kokoy, “single.”

“Single,” segunda naman ni Paolo.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Samantala, hindi na tinanong pa ni Boy ang aktor kaugnay sa rebelasyon niyang ito kaya wala na siyang nabanggit na iba pang detalye. 

Matatandaang nagsimulang umugong ang usap-usapan na hiwalay na ang dalawa nang burahin ni Yen ang birthday post niya para kay Paolo noong Mayo.

MAKI-BALITA: Yen binura daw ang birthday post para kay Paolo, sila pa raw ba?

Lalo pang lumakas ang intrigang ito nang i-unfollow nila ang isa’t isa nang sumunod na buwan. Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag si Yen kaugnay sa isiniwalat ni Paolo sa relationship status nito.

MAKI-BALITA: 'As an unfriend?' Paolo Contis, inunfollow na rin si Yen Santos sa IG