September 19, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?
Photo Courtesy: Gabbi Garcia (IG)

Tila naintriga ang mga netizen sa suot na singsing ni Kapuso star Gabbi Garcia sa isang larawang ibinahagi niya sa Instagram.

Sa latest Instagram post kasi ni Gabbi nitong Lunes, Setyembre 16, ibinahagi niya ang mga ganap niya lately sa pamamagitan ng mga serye ng larawan.

“Giving this 20 carousel post a try. life lately (smiley)” saad niya sa caption.

Pero tila may nakapansin ng suot na singsing ni Gabbi sa unang larawan kaya naman in-address niya ang tungkol dito.

Relasyon at Hiwalayan

Mommy ni Gerald Anderson, humihirit na ng apo?

Aniya: “GUYZZZZ it’s a ring from my mom afaik, engagement rings should be on the left hand!! It’s my right hand u guyshhh relax babes you’ll know promise!! ”

Matatandaang pitong taon nang magkarelasyon sina Gabbi at Khalil. At sa isang panayam ay sinabi ng huli na handa umano siyang pakasalan ang nobya. 

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang kumpirmasyon ang Kapuso couple hinggil sa nasabing intriga.