December 23, 2024

Home BALITA Metro

Birthday cash gift ng mga senior citizen sa Marikina, dinoble!

Birthday cash gift ng mga senior citizen sa Marikina, dinoble!

Good news! Dinoble na ng Marikina City Government ang birthday cash gifts na ipinagkakaloob sa mga senior citizen sa kanilang lungsod bilang pagkilala na rin sa kanilang kontribusyon sa lipunan.

Nabatid na epektibo na ngayong Agosto 1, Huwebes, ang Ordinance No. 40 Series of 2024 na may titulong “Ordinance Increasing the Grant of Birthday Cash Gift to All Bona Fide Senior Citizens in the City of Marikina and Appropriating Funds Therefore,” na nilagdaan ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro nitong Miyerkules, Hulyo 31.

Sa ilalim ng nasabing ordinansa, ang lahat ng mga bona fide senior citizen sa Marikina City ay makakatanggap ng tig-P2,000 tuwing araw ng kanilang kaarawan na dating P1,000.

“The gesture of granting a birthday cash gift is a tangible expression of the city’s gratitude and appreciation for the elderly, fostering a sense of belonging and respect within the community,” nakasaad sa ordinansa.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Anito pa, “Increasing this amount by an additional P1,000, for a total of P2,000, will provide greater financial assistance to senior citizens, helping to address their unique needs and improve their quality of life, thereby promoting their well-being and dignity.”

Matatandaang noong 2016, ipinasa ng lokal na pamahalaan ang Ordinance No. 60 na nagkakaloob ng P1,000 sa mga senior citizens para sa kanilang kaarawan.

“Simula Agosto 1, 2024, bawat isa sa inyo ay makakatanggap ng karagdagang P1,000 sa inyong birthday cash gift, kaya’t magiging P2,000 na ang kabuuang matatanggap ng ating mga mahal na seniors,” ayon kay Mayor Marcy.

“Ang simpleng handog na ito ay hindi lamang isang financial benefit, ito ay isang pagkilala at pagpapahalaga sa inyong naging bahagi sa paghubog ng ating lungsod,” aniya pa.

Sa datos ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA), mayroong 96,000 senior citizens sa Marikina.