October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Anak ni Ogie Diaz, ginagamit lang si Bimby?

Anak ni Ogie Diaz, ginagamit lang si Bimby?
Photo Courtesy: Erin Diaz, Bimby (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang showbiz insider Ogie Diaz sa vlog ng anak niyang si Erin Diaz kung saan nakasama nito ang anak ni Queen of All Media Kris Aquino na si Bimby.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Hulyo 7, sinabi ni Ogie na kinabahan daw siya dahil baka may magkomento na ginagamit umano ng anak niya si Bimby.

“Kinabahan ako baka mayro’ng mag-comment na: ‘ay, ginagamit lang ni Erin si Bimby.’ Di naman nag-aartista si Erin. Nagba-vlog-vlog lang ‘yan,” saad ni Ogie.

“Ngayon kung ipipilit nila, okay. Ginagamit? Okay,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Matatandaang kinakiligan ng maraming netizens ang naturang vlog ng dalawa. Kumasa kasi si Bimby sa “Boyfriend For A Day” challenge ni Erin sa kaniya.

MAKI-BALITA: Anak ni Ogie Diaz, 'jinowa' si Bimby