October 05, 2024

Home BALITA Metro

Tricycle driver, natepok sa pamamaril

Tricycle driver, natepok sa pamamaril
Larawan: Freepik

Natepok sa pamamaril ang isang tricycle driver sa Tanay, Rizal nitong Miyerkules ng gabi, Hulyo 3.

Kinilala ang biktima na si Joel Magdaong, 46, ng Liro Homes, Sitio Malapapaya, Brgy. Sampaloc, sa Tanay.

Inaalam pa naman ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na nakatakas matapos ang krimen.

Batay sa ulat ng Tanay Municipal Police Station, dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa Liro Homes, Sitio Malapapaya, Brgy. Sampaloc, sa Tanay. 

Metro

Iskedyul para sa Undas, maagang inilabas ng Manila North Cemetery

Sa salaysay ng testigo na 'di na pinangalanan, nabatid na kasalukuyan umano siyang nasa loob ng kanilang bahay nang makarinig ng tatlong sunud-sunod na putok ng baril. Nang alamin ang pinagmulan ng putok, dito na umano niya nakita ang biktima na nakahandusay sa daanan.

Kaagad umano nilang ipinaalam ang insidente sa mga pulis upang maimbestigahan.