July 08, 2024

Home SHOWBIZ

Kim Chiu, isiniwalat ang ideal co-worker

Kim Chiu, isiniwalat ang ideal co-worker
Photo Courtesy: Kim Chiu (IG)

Ano-ano nga ba ang mga katangiang hinahanap ni “It’s Showtime” host Kim Chiu sa kaniyang magiging katrabaho o kapareha sa isang proyekto?

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News nitong Martes, Hulyo 2, sinabi ni Kim na unang-una dapat daw ay magaling. 

“Una magaling dapat pero hindi mahirap katrabaho o kaeksena. O para hindi mahirap umarte. Kasi parang… OA naman ‘yong magaling. Pero sana marunong. ‘Yong mayro’n siyang presence of mind,” lahad ni Kim.

“And gusto niya ‘yong ginagawa niya. ‘Yon talaga ‘yong number one. Kasi mayro’n namang tao na hindi niya masyadong gusto ‘yong ginagawa niya. He or she just doing it for work,” wika niya.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Dagdag pa ng aktres: “Makikita mo naman kung may passion ‘yong tao sa ginagawa niya. Kasi nakikita naman ‘yon sa TV or nagre-reflect. So, parang dapat gusto niya ‘yong ginagawa niya more than magaling.”

Samantala, naitanong naman kay Kim ang tungkol sa kung ano raw ang “staying power” niya sa showbiz.

Ayon kay Kim: “I think, naka-benefit ako sa PBB. Kasi parang I started as a young Cebuana girl. Parang my life is an open book dito sa showbiz.”

“So, parang when it comes to my personal life, alam na rin ng mga tao kung anong nangyayari sa akin, kung anong mga projects ko. So, para na ring kasabay ko silang lumaki, ‘yong audience,” dugtong pa niya.

Matatandaang noong Hunyo ay ipinagdiwang ni Kim ang kaniyang 18th anniversary sa showbiz sa showbiz industry.

MAKI-BALITA: Kim Chiu sa 18 taon niya sa showbiz: 'Thankful for this wonderful journey'