Muling nagkasama ang ex-celebrity couple na sina Max Collins at Pancho Magno para sa moving up ceremony ng kanilang anak.

Sa isang Instagram post ni Pancho nitong Huwebes, Hunyo 6, matutunghayan ang video na kuha sa nasabing pagtitipon kung saan naroon din si Max.

“Congratulations to our Baby big boy @skyecollinsmagno ❤️. We are sooo proud of you! Love you!” saad ni Pancho sa caption ng post. 

Sey naman ni Max sa comment section: “Yayyyyyy ♥️”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nagbahagi rin ang mga netizen ng kani-kanilang reaksiyon sa naturang video na ibinahagi ni Pancho. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Ito lang yata ang nag hiwalay na hindi nag siraan”

“sana mgkabalikan kau everyone deserv a second chance sayang ang fam mas magging happy c bby boy seeing u guys feels kilig🙌❤️”

“@magnopancho ligawan mo uli si Max pls ♥️ Love these twoooooo!”

“Sana kayo nalang ulit @magnopancho @maxcollinsofficial”

“Congrats sky👏sna magkabalikan parents mo❤️”

“GOOD CO PARENTING wala ilangan at galit sa mga mukha nila😍 Ang saya sya nila tignan”

“Congratulations Skye and to the parents. Admirable how you are both co parenting 😍”

Matatandaang Mayo 2023 nang aminin ni Max sa isang panayam na noong kasagsagan pa umano ng pandemya sila nagkahiwalay ni Pancho.

MAKI-BALITA: Max Collins, Pancho Magno kumpirmadong hiwalay na: ‘Every separation is difficult…’

Samantala, sa panayam naman niya noong Abril, ibinahagi niya na kasalukuyan na raw nilang pinag-uusapan ang tungkol sa divorce.

MAKI-BALITA: Divorce nina Max Collins, Pancho Magno pinag-uusapan na!