Hindi exempted sa isinusulong na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ang Davao.

Ito ang paglilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at sinabing ipinatutupad sa nasabing lugar ang Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP) na hiwalay pa muna at PUVMP.

Paglilinaw ng LTFRB, ang DPTMP o DavaoBus ay nakalaan lamang sa pagtatatag ng bus lanes, depot at terminal sa mga rutang sumasaklaw sa 600 kilometro.

Probinsya

Freedivers, inatake ng barracuda sa Batangas

Gagamitin sa DavaoBus project ang mga modernong bus na nakasunod sa PUVMP.

Tampok sa DavaoBus project na pinondohan ng Asian Development Bank, ang siyam na ruta na magdudugtong sa Davao City, Panabo City at Davao del Norte.

Ang DavaoBus ay pinalawak na bersyon ng EDSA Busway.