Itinanggi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga espekulasyon kaugnay sa umano'y secret meeting nito sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) upang pabagsakin ang administrasyong Marcos.

"Sinong g***** police at military makipag-meeting sa akin to destabilize the Marcos’s administration? They must be crazy,” pagdidiin ng dating Pangulo sa pulong balitaan sa Davao City nitong Sabado ng gabi.

Binigyang-diin ni Duterte, walang dahilan upang pabagsakin ang administrasyon at komportable naman ito sa Pangulo at sa pamamahala nito sa bansa.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Kaugnay nito, nilinaw ni Duterte na hindi na siya kakandidato upang makapuwesto sa pamahalan.

“There are a lot of s***** people around. They say, they say. Why should I replace him (Marcos), and who am I to replace him now? I had time to be there and contribute to my country, and I am through with it. I cannot actively participate in politics,” aniya.

Nilinaw naman nina AFP chief Gen. Romeo Brawner, Jr. at PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. na buo pa rin ang suporta ng kanilang hanay sa pamahalaan.

Ivy Tejano