Patay ang isang construction worker matapos mahati ang katawan nang tamaan ng ngipin ng backhoe sa isang construction site sa Nasugbu, Batangas nitong Disyembre 8.

Dead on the spot ang biktimang si Ricardo Domanais, taga-Barangay Natipuan, Nasugbu, matapos tamaan ng ngipin ng nasabing heavy equipment sa Nasacosta Resort, Sitio Aplaya nitong Biyernes ng umaga.

Kaagad namang naaresto ang operator ng backhoe na nakilala sa alyas Marjun.

Bago ang insidente, pinapatag ni Marjun ang nakatambak na lupa sa lugar, gamit ang backhoe.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa police report, hindi napansin ng backhoe operator na nasa tabi ng nakatambak na lupa si Domanais kaya't tinamaan niya ito.

Inihahanda na ng pulisya ang kaso laban sa operator ng nasabing heavy equipment.