Tampok sa vlog first time ni Ivana Alawi ang Kapuso star na si Bea Alonzo, na sa wakas ay napapayag na makipag-collab sa kaniya dahil sa kapatid nitong si Mona Alawi.

Nag-mukbang ng king crab ang dalawang stars habang sinasagot ang mga tanong sa kanilang dalawa, na ibinabato ni Mona.

Isa sa mga natanong sa kanila ay kung anong masasabi nila sa "cheaters" o mga manloloko sa isang relasyon.

"What can you guys say sa mga cheater?" tanong ni Mona.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

"Mga manloloko?" tanong ni Ivana.

"Mga manloloko... tigilan na nila 'yan. It's so... 2020, charot! 2019 pala. Charot! Doon tayo sa mabait," saad naman ni Bea.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo may talak sa mga cheater, balik ng karma

"Ako, wala kayong mapapala," ani Ivana. "Parang you're never gonna be happy in life."

"'Pag nananakit ka ng tao, mabigat ang buhay mo, kasi may niloko ka, may ginawan ka nang masama."

Sundot na tanong ni Ivana ay kung naniniwala siya sa karma.

"I do," sey ni Bea. "Actually I've had my karmas kasi hindi naman ako laging mabuti 'di ba? Kapag kinakarma ako, tinatanggap ko 'yon. Kaya ka natututo na huwag na next time."

Matatandaang bago maging masaya sa kaniyang fiance na si Dominic Roque ay naging kontrobersyal ang paghihiwalay nila ni Kapamilya star Gerald Anderson.

Nadawit dito ang kasalukuyang girlfriend ni Gerald na si Julia Barretto.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa napabalitang in good te

rms na ang tatlo.

MAKI-BALITA: Bea, game makipagtrabaho kay Zanjoe maliban sa isang ex-jowa: ‘Isa lang naman ayokong ex!’