Tampok ang dalawang bida ng pelikulang “Five Break-Ups and A Romance” na sina Alden Richards at Julia Montes sa vlog ni “It’s Your Lucky Day” host Luis Manzano noong Biyernes, Oktubre 20.

Habang nagmumukbang ang tatlo, biglang naitanong ni Luis kung ang “Five Break-Ups and A Romance” ba ang unang project nina Julia at Alden nang magkasama.

“Yes,” sagot ni Alden.

“First time kahit sa endorsements or sa mga corporate, mga raket-raket?” tanong ulit ni Luis.

National

FPRRD, posibleng kasuhan ng 'obstruction of justice' dahil kay Quiboloy

“Endorsements parang nagkasabay pero ang dami kasi namin noon, Kuya Luis.” sagot ulit ni Alden

“So first time, “ sabi ni Luis, “noong nakuha n’yo ‘yung balita na magkakasama kayo sa project, anong naging pakiramdam?

Si Julia ang sumagot: “Ako, noong una natakot ako.”

“Natakot ako kasi siyempre, hindi ko genre ‘yung in-offer na film. Tapos, Alden. So parang feeling ko, ‘kakayanin ko ba ‘to?’ ‘Yun ‘yung lagi kong sinasabi,” dagdag pa ni Julia.

Pero eventually, thankful at masaya siya dahil si Alden ang nakatrabaho niya. Dahil kung hindi, baka hindi niya raw kayanin.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, ipinapalabas na ang “Five Break-Ups and A Romance” sa mahigit 200 na sinehan sa Pilipinas. 

Sa katunayan, kumita na ang pelikula ng ₱3M sa una nitong araw.

MAKI-BALITA: Alden kina Julia, Direk Irene: ‘Andito lang ako palagi’