May mensahe si Chot Reyes kay Gilas Pilipinas coach Tim Cone.

Sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Oktubre 6, nag-iwan ng mensahe si Reyes kay Cone matapos masungkit ng Gilas Pilipinas ang gintong medalya sa 19th Asian Games.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“So much has been said about Coach Tim’s accomplishments. This latest one, the Asian Games Gold, being among his finest moments. But to us who know him well he is so much more than that,” saad ni Reyes.

“To my mentor, friend, brother - congratulations and thank you,” dagdag pa niya.

View this post on Instagram

A post shared by Chot Reyes (@coachot)

Sa hiwalay na Instagram post, nauna nang binati ni Reyes si Cone at ang national team sa kanilang pagkapanalo.

“YEEESSSS!!! GILAS WINS! GOLD! So, so proud of Coach Tim and the entire team,” aniya.

Maki-Balita: Chot Reyes, proud sa pagkapanalo ng Gilas Pilipinas vs Jordan

Matatandaang nag-“step aside” bilang head coach ng Gilas Pilipinas si Reyes matapos ang laro ng national team sa 2023 FIBA Basketball World Cup noong nakaraang buwan.

Maki-Balita: Chot Reyes handa nang mag-‘step aside’ bilang coach ng Gilas?

Pinalitan naman siya ng Barangay Ginebra head coach na si Tim Cone. Bago ito, nagpaalam muna umano si Cone kay Reyes bago tanggapin ang pagiging coach ng Gilas.

Maki-Balita: Cone, nagpaalam muna kay Chot Reyes bago tanggapin pagiging coach

Samantala, matapos ang mahigit anim na dekada, nasungkit din ng Pilipinas ang pinaka-asam-asam na gintong medalya sa men’s basketball na ginanap sa Hangzhou, China.

Ito ay nang dispatsahin ng national team ang Jordan, 70-60.

Maki-Balita: Gilas Pilipinas, kumubra ng gold medal sa 19th Asian Games