Flinex ng aktres na si Analyn Barro sa kaniyang Instagram story ang larawan nila ng mga kapuwa niya cast ng “Bubble Gang” na sina Paolo Contis at Kokoy De Santos kasama ang “It’s Showtime” host na si Ryan Bang.

Tila pahiwatig ito na sasalang si Ryan sa longest running comedy show.

Makikita rin kasi sa hiwalay na Instagram story ni Ryan ang ibinahagi niyang larawan kasama rin ang mga cast ng nasabing comedy show gaya nina Michael V. o mas kilalang “Bitoy”, Chariz Solomon, Betong Sumaya, at iba pa.

Tila tapos na talaga ang war sa pagitan ng mga network dahil wala na ang mga hangganan para makatawid ang isang artista papunta sa kabilang “bakod”.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Matatandaang kamakailan lang ay nag-guest din si Bitoy sa “It’s Showtime” kasama ang kaniyang co-actress sa “Pepito Manaloto” na si Manilyn Reynes.

Nagpahiwatig pa nga si Bitoy sa kaniyang Facebook post ng posibleng collab nilang dalawa ni Vice matapos ang guesting na ‘yon.

MAKI-BALITA: Michael V. at Vice Ganda collab, posible?