Ni-reveal na ni Direk Mark Reyes ang petsa kung kailan magsisimula ang shooting ng “Encantadia” spin-off na “Sang’gre” sa isang Facebook Live ng Rock of Manila TV nitong Miyerkules, Setyembre 13.

“Kailan po magsisimula ang taping ng “Sang’gre?” tanong ng host kay Direk Mark.

“Next month. October. I just wanna breathe first.” sagot ng direktor, na katatapos lang magdirehe ng Voltes V: Legacy

Tila ang bilis daw lumipas ng panahon. Parang kailan lang daw ay nagme-meeting pa lang sila noon para sa pilot script ng “Sang’gre”.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makikita pa sa Instagram post ni Direk Reyes noong Marso ang kaniyang “groufie” kasama ang mga standee ng mga karakter nina Glaiza De Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez.

Pero bago pa man ‘yon, nauna nang kumpirmahin noong Pebrero ng GMA Network Senior Vice President Annette Gozon-Valdes sa kaniyang panayam kay Paolo Contis sa programang “Just In” na “niluluto” na umano ang nasabing spin-off series.

Matatandaang hiniritan ng fans si Direk ng season 2 ng “Encantadia” noong idaos ang 68th anniversary ng GMA Network.

MAKI-BALITA: Direk Mark, kinukulit sa season 2 ng ‘Encantadia’

Samantala, tila nagbadya rin si Reyes na tila may sequel ang Voltes V: Legacy dahil sa kaniyang makahulugang Instagram post.

MAKI-BALITA: ‘Voltes V: Legacy’ nagwakas na; posibleng may sequel o ‘Daimos’ naman?

Nababanggit din na tila gagawin ng GMA Network ang isa pang minahal na Japanese anime series ng mga bata noong 90s, ang "Daimos." Ang napipisil nga raw na bumida rito ay si "Asia's Multimedia Star" at Pambansang Bae na si Alden Richards.

MAKI-BALITA: Netizens, umalma; Alden, gaganap sa live adaptation ng ‘Daimos’?