Napanatili ng Bulkang Mayon ang pagbuga ng lava, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa impormasyon ng Phivolcs, umabot pa rin sa 2.5 kilometro ang rumagasang lava mula sa bunganga ng bulkan hanggang Mi-isi Gully nitong Biyernes ng madaling araw hanggang Sabado ng madaling araw.

Nasa 1.8 kilometrong lava naman ang umabot sa Bonga gully.

Naitala rin ng ahensya ang dalawang volcanic earthquake at 308 rockfall events, bukod pa ang isang dome-collapse pyroclastic density current (PDC) events.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nagbuga pa ng 744 tonelada ng sulfur dioxide ang bulkan nitong Hunyo 23

Umabot sa 600 metrong taas ng usok mula sa bulkan ang tinangay ng hangin pa-timog kanluran.

Nagbabala rin ang Phivolcs sa posibleng pagsabog ng Mayon Volcano anumang oras.