Nakatakdang magbalik sa music scene sa kanilang brand-new project ang folk-pop band Ben&Ben ngayong Hunyo 30.

Ito ang anunsyo ng nine-piece music powerhouse nitong Biyernes, Hunyo 16 sa kanilang social media platform.

Looking forward naman ang avid fans na “Liwanag” sa pagbabalik spotlight ng banda na naging abala naman sa kaliwa’t kanang music festivals sa loob at labas ng bansa.

Bagaman noong Nobyembre 2022 pa huling naglabas ng original music ang Ben&Ben sa kantang "Dear," nanatili pa ring isa sa mga most streamed Pinoy artists ang banda na noong Abril ay nakapagtala pa ang isang streaming feat sa Spotify.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Basahin: Pinoy record: 6 na kanta ng Ben&Ben na may tig-100M streams na sa Spotify – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong 2022, ang Ben&Ben ang itinanghal ding second most streamed Pinoy artist sa parehong music platform.

Basahin: Moira Dela Torre, reyna pa rin ng OPM sa Spotify ngayong 2022 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa ngayon, wala pang dagdag na detalye ang Ben&Ben kaugnay ng pamagat ng kanta at konsepto ng bagong kanta.